Alessandra de Rossi says no to liquor endorsement; turns down P2M offer

IMAGE Noel Orsal

Alessandra de Rossi admits she is picky about endorsements, especially if they don't conform to her values. This is why she turned down an offer to endorse an alcoholic drink. "Hindi ako nag-eendorso ng bisyo. Bisyo 'yan ,e. Hindi ako umiinom. Ba't ako mag-e-endorse niyan?"


Binigyang-linaw ni Alessandra de Rossi ang impresyon ng karamihan na si Empoy Marquez lamang ang nakinabang sa kasikatan matapos tumabo sa takilya ang pelikula nilang Kita Kita.

Nabuo ang tambalang AlEmpoy sa Kita Kita, ang kinikilala sa kasalukuyan na highest-grossing Filipino independent film matapos itong kumita ng mahigit P320 million.

Kung pagbabasehan nga raw ang naglalabasang endorsements ni Empoy, tila ito raw ang mas nabibigyang prayoridad.

Ngunit pahayag ni Alex, palayaw ng aktres, "Akala niyo lang 'yan.

"Masyado akong maraming tinanggihan.

"Si Empoy, tanggap nang tanggap, and I love him for that. Okey yun."

Binanggit ng aktres ang isang brand ng alak na kanyang tinanggihan, pero pina-off-the-record niya ito.

Ayon sa 33-year-old actress, "For example, yung sa [brand ng alak], two million pesos, hindi ko tinanggap.

"Ayokong mag-endorse ng alcohol.

"Kumuha na lang siya ng ibang babae na kasama niya [Empoy].

"Tapos, pinag-pray ko talaga na, 'Lord, please ituloy niyo yun kahit wala ako.'

"Kasi, ayaw ko namang mawalan si Empoy dahil umaarte ako."

"PATH KO ITO." Ipinaliwanag ni Alex kung bakit pinipili niya ang endorsements na tatanggapin.

Pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Hindi ako nag-eendorso ng bisyo. Bisyo 'yan, e.

"Hindi ako umiinom. Ba't ako mag-e-endorse niyan?"

Mayroon din daw silang sabay na tinanggihan ni Empoy.

Endorsement naman ito para sa isang motel/hotel.

Natatawang sabi pa ng aktres, "O, kaya niyo ba? Seryoso!

"Mukha bang... kissing scene nga ayaw mo, e. Mukha ba akong...

"Tapos, may tumawag din para sa AlEmpoy, pero may nauna nang na-oohan si Empoy, e."

Ano naman ang sabi ng kanyang management company, ang Cornerstone Entertainment, Inc., sa dami ng kanyang tinatanggihang endorsement?

"Wala silang magagawa, e," sabi ni Alex.

"Nasa-shock na lang sila, e.

"Umaarte talaga ako.

"Naiintindihan nila ako, kasi path ko ito, e.

"Twenty years ko nang inaayos ang path na ito, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi nga nila, 'Next time nga, sabihin mo kung ano ang mga hindi mo gusto, para hindi na nakakarating sa iyo ang tanong.'"

Patuloy niya, "Basta, sabi ko kanila, ayoko ng anything na bisyo, na malaswa, yung babuyan.

"Okey sa akin ang mag-cover nang sexy, pero yung malalaswang usapan....

"Sa totoo lang, nasaktan ako sa price. Pero... Pero mahal talaga ako ni Lord. Kasi may kapalit na kaagad na malaki rin. Mas malaki.

"Hindi pa kinu-confrim, pero mukhang totoo."

Hindi man niya binanggit kung anong endorsement ito, malalaman din daw ng publiko kapag okey na ang lahat.

BOX-OFFICE STAR. Natatawa rin daw si Alex sa ilang pagbabagong nangyayari sa kanya mula nang maging isa siyang "box-office star."

Aniya, "Katulad nung bangko ko.

"Twenty years ko nang bangko yun. Labas-masok ako dun.

"'Hi-hi' naman ako sa mga teller, kilala ko naman lahat.

"Tapos, all of a sudden, nagpapa-picture na lahat!

"Sabi ko, 'Ano? Ngayon iba na ang tingin niyo sa akin, dati tao lang ako.' Hahaha!"

Ano ang epekto nito sa kanya?

Mabilis niyang sagot sa tonong nagbibiro, "Ayun, buwisit.

"Hindi ko alam, e. Hindi naman talaga ako pa-star.

"Alam 'yan ni Empoy."

Ang hiling ngayon ni Alex ay tangkilin sana ng mga tao ang pelikulang 12, na siya ang nagsulat. 

Pero huwag daw itong ikumpara sa Kita Kita dahil magkaiba ang tema ng dalawa.

Tungkol sa dalawang matalik na magkaibigang nagpasyang mag-live-in ang 12, na ipalalabas sa mga sinehan simula sa November 8.

Ayon pa kay Alex, kahit nga raw sa box-office returns ay ayaw niyang mag-ilusyong magiging kasing lakas ito ng pelikula nila ni Empoy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN