Donita Nose denies Willie Revillame fired all Wowowin co-hosts

IMAGE Courtesy: Magpakailanman on Facebook / GMANetwork.com

Mariing pinabulaanan ni Donita Nose (kaliwa) na tinanggal siya at iba pang Wowowin co-hosts ni Willie Revillame (kanan). Nakabakasyon lamang daw sila ngayon dahil sa nalalapit na Araw ng mga Patay at marami raw silang nakapondong episodes. 


Pinabulaanan ng stand-up comedian/TV host na si Donita Nose ang balitang tinanggal ni Willie Revillame ang lahat ng co-hosts sa Wowowin.

Si Donita ang isa sa co-hosts ni Willie sa variety-game show na ito ng GMA Network na umeere tuwing Lunes hanggang Biyernes, bago mag-24 Oras.

Ang iba pang regular co-hosts ng programa ay sina Ariella Arida, Ashley Ortega, Sugar Mercado, at ang baguhang komedyanteng si Verna.

Lunes ng gabi, October 23, nakatanggap ng impormasyon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa isang showbiz insider na tinanggal na raw ni Willie ang lahat ng co-hosts niya sa Wowowin.

Ang pagkakatanggal ng lahat ng co-hosts, ayon sa source, ay nag-ugat sa insidenteng nangyari sa taping noong October 17, Martes.

Sa segment na "Willie of Fortune," habang nagsasalita raw si Willie sa harap, napansin niya ang kanyang co-hosts sa likuran na nagbubulungan.

Sabi ng source, “Akala niya, pinagbubulungan siya, na-praning.

"Akala niya siya yung topic sa likod, na-paranoid.

“Si Verna yung unang bumulong, tapos sumunod si Sugar."

Nang sumunod na araw, October 18, pinatanggal daw ni Willie ang lahat ng kanyang co-hosts.

Ayon pa sa source, nag-taping ang programa noong Huwebes, October 19, at Sabado, October 21, nang wala nang kasamang co-hosts si Willie.


(Sugar Mercado, Ariella Arida, Ashley Ortega)


(Willie Revillame and Donita Nose)

SOURCE NUMBER TWO. Upang alamin kung totoo ang natanggap naming impormasyon, kinausap ng PEP.ph ang isa pang source na may direktang kinalaman sa Wowowin.

Pumayag na magpa-interview ang source sa kundisyong hindi namin siya papangalanan.

Kinumpirma nitong nagalit si Willie sa kanyang co-hosts, partikular na kina Verna at Sugar.

Lahad ng ikalawang source, “Ano kasi... nagalit nga siya.

"Kasi, during taping daw, habang nag-i-spiel si Kuya sa audience, nagpapaliwanag yata ng something, nasa likod yung mga co-hosts, parang nag-uusap sila o meron silang kinakausap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Una niyang pinuna si Verna, yung bagong co-host niya na comedienne.

"Sinabihan daw niya na, ‘Ano sinasabi mo? Kung meron kang gustong sabihin, mag-mic ka, hindi yung nagsasalita kayo nang walang mic.’

“Nainis siya dun.

"Tapos, same day, si Sugar naman ang nahuli niya na parang may kinakausap sa audience.

“So, parang nainis siya, nabastusan siya.

"Nag-init ang ulo niya, maaga niyang tinapos ang taping, kasi parang nabastusan daw siya.

“Last Tuesday [yun nangyari], one week na.”

Kinumpirma rin ng source na ito na wala munang co-hosts na mapapanood sa Wowowin.

Kuwento niya, “Thursday ang next taping. Ang dapat wala talaga dun ay si Verna at si Sugar.

“Pero napag-usapan nila na baka magtampo naman yung ano... yung iba, nag-stay, tapos sila wala.

"So, lahat daw muna, wala muna."

Ayon pa rin sa pangalawang source, hindi niya alam kung kailan mapapanood ang episode na wala ang co-hosts ni Willie, dahil nakapagbangko raw sila ng maraming episodes.

DOMINO EFFECT? Sabi pa ng ikalawang source, nagulat daw ang lahat sa naging desisyong ito ni Willie.

“Nakaka-shock talaga, lalo na sa panig ni Donita.

"Kasi si Donita talaga ang inaasahan niya, in most of the ano... spiels niya.

"Siya yung nag-a-announce kung sinong winner. Lahat ng ganyang part, na kay Donita actually.

"Nadamay siya dahil na-trigger na rin yung parang ano... di ba, nagkaroon ng problema kay Sugar saka kay Verna?

"Tapos nadamay si Donita dahil lagi raw siyang wala, lagi raw siyang out of the country.

“So, parang na-domino effect na lang.

"So, parang damay-damay na, parang marami nang nakitang butas."

DONITA NOSE: NOT TRUE. Tinawagan ng PEP.ph si Donita Nose sa telepono ngayong hapon upang linawin ang isyu.

Agad niyang itinanggi na tinanggal ang lahat ng co-hosts ng Wowowin.

Sabi ni Donita, “Uy, no, hindi... hindi.

"Nag-ano lang... kasi parang nagkaroon ng special edition ng Wowowin, dahil nga dun sa nagbigay siya [Willie] ng tribute para sa mga sundalo ng Marawi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi gusto niya na siya lang yun, kasi medyo sensitive, so inano muna na siya [lang]...

"Pero wala... wala."

Nilinaw rin ni Donita Rose ang kuwentong nagbubulangan diumano ang co-hosts ng Wowowin na ikinagalit ni Willie.

Pahayag ni Donita, “Ay, hindi... wala. Oo... hindi, wala.

"Ano yun... yun lang yung kapag nagti-taping kami, minsan kasi marami kami sa likod, so di maiiwasang may gustong sabihin, ganun, so parang…"

Hindi raw si Willie kung hindi ang direktor ng show na si John Paul Panizales ang nagsabi sa kanilang mga co-host na wala munang taping.

Ang sinabi raw sa kanila ay magbabakasyon muna sila dahil sa nalalapit na Araw ng mga Patay.

Saad ni Donita, “Actually, magbabakasyon, e.

"Wala talaga kaming taping kasi mag-u-Undas, so may plano siyang [Willie] mag-bakasyon ng Macau.

“Marami kaming pondo, kaya nagulat nga ako sa mga sabi-sabi.

"So, hinayaan ko na lang, kasi hindi naman totoo.”

Ilang episodes na wala silang mga co-host ni Willie?

Sagot ni Donita, "Yung sa Marawi..."

Pero hindi raw niya alam kung kailan ito maieere dahil marami nga silang pondong episodes. 

DONITA DENIES FREQUENT ABSENCES. Mariin ding pinabulaanan ni Donita na madalas siyang absent sa Wowowin dala ng mga raket niya sa ibang bansa.

“Sino may sabi? Hindi ako uma-absent!

“Uma-absent ako pag walang pasok, pag meron kami…

"Pag nagingibang bansa ako, ano yun, parang meron kaming bakasyon, dun ako nagkaraket.

“Pero hindi dahil nagte-taping ako, tapos uma-absent, hindi yun. Hindi.”

Sabi pa ni Donita, kung totoong tatanggalin sila sa show, manggaling daw ito mismo kay Willie.

“Actually, dapat hindi nagsasalita ng ganun na parang ano… hindi naman kami ano… si Kuya talaga ang ano diyan, magsasalita.

"Kumbaga, kung wala kami, e, di sabihin talaga na wala na talaga kami."

Sa puntong ito ay inamin ni Donita na totoo ngang nagalit si Willie sa taping nila noong nakaraang linggo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero wala raw sinabi sa kanilang tanggal na sila sa programa.

Lahad ni Donita, “Nagalit lang siya nung last week... dahil nga sa mga ginagawa ng kasama ko.

"Pero hindi sinabi na, 'Wala na kayo, tanggal na kayo,' wala.

“Sinabi niyang magti-taping siya nang kanya.

"Sinabi niya yun, e, na magti-taping siya nang sarili dahil nga dun sa Marawi, dahil nga sensitive nga yung taping na yun para sa mga sundalo.

“Alam naman natin kung anong nangyari sa Marawi. Ang gusto niya, gusto niya maramdaman ang puso...”

Bagamat nilinaw na ni Donita ang isyung ito, mananatiling bukas ang PEP.ph sa panig ni Willie Revillame.


Stories We Are Tracking

Super Tekla breaks silence on sudden exit from <em>Wowowin</em>
Super Tekla breaks silence on sudden exit from Wowowin
Super Tekla answers gambling and drugs allegations
Super Tekla answers gambling and drugs allegations
TV hosts removed by Willie Revillame through the years
TV hosts removed by Willie Revillame through the years


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN