Benjamin Alves keeps in touch with family in Guam amid North Korea threat

IMAGE Arniel Serato

Umaasa si Benjamin Alves na tuluyan nang matigil ang patutsadahan sa pagitan ng North Korea at USA, at hindi na ituloy ng North Korea ang banta nitong aatakihin ang island territory ng USA na Guam, kung saan naninirahan ang pamilya ng Kapuso actor.


Medyo nahimasmasan ang aktor na si Benjamin Alves nang humupa sandali ang tensiyon sa pagitan ng North Korea at USA.

Ito ay kaugnay ng banta ng North Korea na bobombahin ang island territory ng USA na Guam.

Naninirahan sa Guam ang pamilya at mga kamag-anak ni Benjamin, kaya labis ang kanyang pangamba para sa kaligtasan ng mga ito noong kainitan ng patutsadahan ng mga lider ng dalawang malalaking bansa.

Nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa White Chucks Party event, nitong Lunes, October 23, nagpahayag ng kagalakan ang Kapuso actor nang iurong ni North Korean President Kim Jong-un ang banta laban sa Guam.

Pahayag niya, “I went there last end of September until first week of October, you know, I was glad I got to see my family.

“Pag nandun ka, you really don’t think about it so much.

"Siguro kasi, how are you gonna function kung araw-araw mong iniisip yun.

"Now, I still keep in touch with my parents as much as possible, particularly every day to…

"Kasi, you’ll never know, you’ll never know.

"Kasi tensions are still there, pero happy pa rin.”

Wala ba siyang planong palipatin na lamang sa Pilipinas ang kanyang mga magulang at kamag-anak na nasa Guam?

Tugon ng 28-year-old actor, “You know, it’s very hard to leave.

"Kasi, where would you go, you know?

“But I’m glad that it’s never gotten to a point where wala ka nang choice, na you really have to leave.

“So, just continue to pray sana yung tension gets… goes away.

“But it’s very hard, ‘coz you’re talking about Trump and North Korea.

"So, just continue to pray."

Base sa pinakahuling reports, muli na namang nagbanta ang North Korea na aatakihin ang Guam, gamit ang missiles, kapag hindi tumigil si US President Donald Trump sa kanyang tweets laban sa North Korea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"HAPPY IS THE LABEL." Samantala, wala pa rin daw pagbabago sa status ng relasyon ni Benjamin at ng rumored girlfriend niyang si Julie Anne San Jose.

Masaya pa rin naman daw sila kahit walang label ang kanilang relasyon.

Sabi ni Benjamin, “Wala naman kailangang aminin... you know, I’m really happy.

“Happy is the label.”


Stories We Are Tracking

Benjamin fears for relatives following NoKor's threat
Benjamin fears for relatives following NoKor's threat
Benjamin Alves cherishes moment-to-moment relationship with Julie Anne San Jose
Benjamin Alves cherishes moment-to-moment relationship with Julie Anne San Jose


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN