Newcomer Andrew Gan refutes claims about Marian Rivera's attitude at work

IMAGE Courtesy: @iamandrewgan on Instagram

Tinawag na #FakeNews ng baguhang aktor na si Andrew Gan ang panibagong kontrobersiyang ibinabato kay Marian Rivera, na diumano'y nagpapa-packup ito ng taping kapag bad trip o wala sa mood magtrabaho. 


Mariing pinabulaanan ng baguhang aktor na si Andrew Gan na may attitude problem ang kanyang co-star at bida sa Kapuso primetime series na Super Ma’am—si Marian Rivera.

Sa kanyang Instagram post ngayong Miyerkules, October 25, tinuligsa ni Andrew ang artikulo ng entertainment columnist na si Ronnie Carrasco III, na lumabas sa Bandera tabloid noong October 19 na may titulong "Misis ni Dingdong inireklamo ng ilang mga trabahador sa GMA 7.”

Ayon sa artikulo, may source daw si Ronnie mula sa GMA-7 na nagsabing pinapa-packup diumano ni Marian ang taping ng kanyang pinagbibidahang fantaserye kapag "bad trip" ito o "wala sa mood" magtrabaho.

Ayon kay Andrew, isa itong malaking kasinungalingan.

Sabi ng baguhang aktor sa kanyang IG post: “Isang Malaking KASINUNGALINGAN. Honestly, before akala ko ganyan si Ate Yan. (Based sa naririnig ko).

"Pero ng makasama at makatrabaho ko na siya. Confirmed na hindi totoo ang sinasabi nila. Ang totoo niyan, masaya ang lahat kapag nandiyan siya.

"Sobrang down to earth, kalog at TOTOONG TAO. MALIIT man Or MALAKING artista same ang treatment ni ate Yan.

"Proven yan, bilang AKO, na nagsisimula pa lang sa industry na ito. Naramdaman ko un pagiging totoo at pag mamahal ni ate Yan sa amin.

"Alam namin ang totoo. At bilang kapatid kita sa TripleA, hinding hindi ako magsasawa pag tanggol ka sa mga naninira at nang aapi sayo.

"Si God na bahala. Mahal ka namin ate @marianrivera?? #StopTheNegativity#FakeNews.”

Sinabi na rin noon ni Andrew na nami-misinterpret lamang nga mga tao si Marian, na kasamahan din niya sa Triple-A Management.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN