Empoy Marquez shocked by acts of lasciviousness complaint against Atak

IMAGE Noel Orsal

Empoy Marquez (left) on acts of lasciviousness complaint against fellow comedian Atak (right): "Sana ay patnubayan siya ng Panginoon, at i-heal ang anumang pagkakamaling nagawa ninuman. Pero para sa akin ay mabuting tao siya… siguro ay nabigla lang yung tao. Lahat naman tayo ay nagkakamali. Siguro ay ipagdasal na lang natin siya."


Nakikisimpatiya raw si Empoy Marquez sa kasalukuyang kalagayan ng kaibigan at co-star sa The Barker na si Ronie “Atak” Araña.

Si Atak, 45, ay sinampahan ng reklamong acts of lasciviousness ng isang nagngangalang Mark Christian Macavinta, 21, hotel attendant sa Okada Manila.

Ito ay dahil diumano sa panghahalik at panghihipo ng komedyante sa complainant pagkatapos niya itong ihatid sa complimentary room ng casino resort and hotel.

Dahil sa reklamo ni Macavinta, inaresto ng Parañaque Police si Atak.


Stories We Are Tracking

Comedian Atak arrested for allegedly kissing, groping hotel-casino employee
Comedian Atak arrested for allegedly kissing, groping hotel-casino employee

Nang ekslusibong makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Empoy sa red-carpet premiere ng pelikulang The Barker, na ginanap sa Cinema 7 ng SM  Megamall, Manduluyong City, kagabi, October 25, nagbigay ito ng saloobin tungkol sa kinasasangkutang isyu ni Atak.

Pahayag ni Empoy, “Mabait po si Atak, e.

“Actually, nagulat din ako sa news, pero alam ko ay malalampasan niya yun.

“At sana ay patnubayan siya ng Panginoon, at i-heal ang anumang pagkakamaling nagawa ninuman.

“Pero para sa akin ay mabuting tao siya… siguro ay nabigla lang yung tao.

“Lahat naman tayo ay nagkakamali.

“Siguro ay ipagdasal na lang natin siya.

“Sana ay magkaayos din ang dalawang kampo. Yun po."

MESSAGE FOR ATAK. Sa pagkakakilala niya kay Atak, may kakayahan ba itong gawin ang ibinibintang dito?

Pag-iwas ni Empoy, “Sa palagay ko, no comment ako diyan.

“Ano... masaya lang siguro yung tao.

“Baka nagbibiro lang siya.

“Baka hinarot lang niya, tapos nabigla yung tao.”

Para rin kay Empoy, isang malaking leksiyon ito sa buhay ni Atak.

Na hindi lahat ay puwedeng harutin, lalo na kapag hindi naman talaga ka-close ang isang tao.

Saad ng 36-anyos na komedyante, “Yes po. Totoo yun.

“Kasi nga, may kanya-kanya tayong pag-uugali.

“'Yan po, nagkataon lang talaga siguro, at maaayos din po yun.”

Patuloy pa ni Empoy, “Ewan ko ba, nagugulat din ako sa news.

“Pero, we pray for that po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun naman ang important, yung prayers.”

Sa puntong ito, nagbigay siya ng mensahe para kay Atak na hindi na nga nakadalo sa premiere night ng pelikula nila.

Saad ni Empoy, “Atak, kaya mo 'yan.

“Lagi mong tandaan na nasa likod mo lang kami.

“Gagabayan ka man ng Panginoon, at kahit ano man 'yang gusot na nangyari.

“Malulusutan mo 'yan lahat na pinagdadaanan mo ngayon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN