Hotel-casino employee stands by acts of lasciviousness complaint vs comedian Atak

IMAGE Facebook / Noel Orsal

Mark Christian Macavinta (left) is the bell attendant who filed an "acts of lasciviousness" complaint against comedian Ronie "Atak" Araña (right). Macavinta speaks up about the alleged sexual harassment he was subjected to by Atak. "This is a serious matter and some people don't take it seriously and make fun about it," says Macavinta in an exclusive interview with PEP.ph. 


Nagsalita na ang bell attendant na naghain ng reklamong acts of lasciviousness laban sa comedian na si Ronie "Atak" Araña.

Noong Linggo, October 22, inaresto ng Parañaque Police si Atak, 45, matapos siyang ireklamo ng isang bell attendant ng Okada Manila, isang casino resort at hotel sa Parañaque City.

Ayon sa police report, inihatid ng complainant si Atak sa complimentary room ng komedyante dakong 2:40 ng hapon, Linggo.

Pagpasok sa kuwarto, niyakap, hinalikan, at hinipuan diumano ng komedyante ang bell attendant.

Itinulak daw ng complainant si Atak, nakalabas ng kuwarto, at nagsumbong sa security personnel.

Inaresto at ikinulong si Atak sa Parañaque Police station dahil sa reklamong acts of lasciviousness.

Bailable ang kasong inihain laban kay Atak at anumang oras ay maaari siyang magpiyansa ng halagang P12,000.

Ngunit ngayon lang Miyerkules ng gabi, October 25, nakalabas ng piitan ang komedyante.


Stories We Are Tracking

Comedian Atak arrested for allegedly kissing, groping hotel-casino employee
Comedian Atak arrested for allegedly kissing, groping hotel-casino employee

Sa mga lumabas na ulat tungkol sa insidenteng ito, pinangalanan ang complainant bilang si Mark Christian Macavinta, 21.

Nakipag-ugnayan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Macavinta, sa pamamagitan ng Facebook, noong Lunes, October 23.

Tinanong ng PEP.ph kung siya ang hotel-casino employee na naghain ng reklamo laban kay Atak.

Kinumpirma niyang siya nga ang tinutukoy sa mga ulat.

Sabi pa niya, “Thank you, he messed with the wrong person. Already filed a case against him and he’s now already in jail.”

Nang subukan ng writer na itong kunan siya ng karagdagang pahayag, humingi si Macavinta ng sapat na panahon upang pag-isipan kung magsasalita siya hinggil sa isyu.

MACAVINTA BREAKS SILENCE. Ngayong Miyerkules, October 25, sa pamamagitan ng Facebook messaging, pumayag nang magsalita si Macavinta kaugnay ng reklamong inihain niya laban kay Atak.

Pumayag din siyang gamitin at ilabas ng PEP.ph ang kanyang larawan sa artikulong ito.

Ayon kay Macavinta, naghain siya ng reklamo laban sa komedyante dahil ito ang tama at upang protektahan ang kanyang dignidad.

Ito ang kanyang pinarating, published as is:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“First of all, I would like to encourage everyone to stand up and fight for what is right.

“Do not be afraid and always protect your dignity at all times.

“This is a serious matter and some people don't take it seriously and make fun about it,” simula ng kanyang mensahe.

Nang lumabas ang isyu, nakabasa raw si Macavinta sa social media ng mga komento kung saan pinagdudahan ang kanyang kasarian at hinusgahan ang pagkatao niya.

Pagpapatuloy ni Macavinta: “May nakita nga ako while checking the comment section, and sabi niya, ‘Siguro bading yung nagrereklamo, kasi maliit na bagay pinapalaki pa, as if naman may nawala sa kanya’.

“That comment is very alarming and i also feel sorry for that guy na nag comment nun.”

Pahayag pa ng Okada Manila employee, “As you can see, yung generation ngayon, sobrang malala na.

"Normal na lang sa kanila to hug someone, kiss someone, and touch someone's private part without any hesitation, and that kind of mindset should be stopped and should not be tolerated at all.”

Diin ni Macavinta, pinalaki siyang maayos ng kanyang mga magulang.

“Lumaki ako sa respetadong pamilya, my parents taught me and molded me to be respectful, professional, and act with class at all times...

“All of my family members are professionals and all of them guided me and molded me to be a better and successful person,” saad niya.

ACCUSATIONS. Sinagot din ni Macavinta ang akusasyong nagsisinungaling siya at pineperahan lamang daw niya si Atak.

Saad niya sa message sa PEP: “To Mr. Araña, I wouldn't waste my time creating a scene if the allegation is not true.

“I hope that this will serve as a lesson to you, and to the management and friends of Mr. Arana 'Atak' [y] Villanueva, i'm not after his money, all i want is to teach him a lesson.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Let him suffer for what he did. DO WHAT IS RIGHT, AND CORRECT WHAT IS WRONG."

Mensahe pa ni Macavinta: “Again, i'm encouraging everyone, to stand up and fight for what is right, do not be afraid and ALWAYS PROTECT YOUR DIGNITY AT ALL TIMES.” 

Bukas ang PEP.ph sa panig ng kampo ni Atak hinggil sa mga pahayag ni Macavinta.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN