Robby Tarroza, Bianca Lapus on Isabel Granada's condition: "She is still alive and fighting for her life."

IMAGE Isabel Granada Instagram

Muling nag-post ng mensahe sina Robby Tarroza at Bianca Lapus sa kanilang Facebook accounts upang pabulaanan ang mga maling kumakalat na balita tungkol sa kalagayan ni Isabel Granada (nasa larawan), na in comatose ngayon matapos mag-collapse sa Doha, Qatar.


Nilinaw ng mga kaibigan ni Isabel Granada na sina Robby Tarroza at Bianca Lapus ang mga lumalabas na espekulasyon tungkol sa kalagayan ng aktres.

Sina Robby at Bianca ang dalawa sa unang nagbalita ng pagku-collapse ni Isabel habang nasa Doha, Qatar.

Sa naunang Facebook posts nina Robby at Bianca, nabanggit nilang aneurysm ang dahilan ng pagku-collapse ni Isabel.

Kritikal daw ang kundisyon ng kaibigan: comatose ito at anim na beses na nagkaroon ng cardiac arrest.

Mula nang pumutok ang balita tungkol sa pagiging comatose ni Isabel, kung anu-anong kuwento na ang nagsisilabasan.

Sa comments section nga ng latest Instagram post ni Isabel ay may mga nagbabahagi ng nalalaman daw nila sa kundisyon ng aktres, base sa kuwento umano ng kakilala o kamag-anak nilang nasa Qatar.


Stories We Are Tracking

Isabel Granada in coma after collapsing in Doha, Qatar
Isabel Granada in coma after collapsing in Doha, Qatar
Chuckie Dreyfus appeals for prayers for Isabel Granada
Chuckie Dreyfus appeals for prayers for Isabel Granada

Dahil dito, minabuti nina Robby at Bianca na mag-post muli ng mensahe sa kanilang Facebook accounts ngayong Miyerkules ng hapon, October 25.

Ito ay upang pabulaanan ang mga maling kumakalat na balita tungkol sa kalagayan ng 41-anyos na aktres.

ROBBY TARROZA. Ikinagalit ni Robby ang posts ng ilang netizens na pumanaw na raw si Isabel.

Sabi ng concert producer, "For those people who are posting that Isabel Granada has passed away. Please take those down! Words are very powerful."

Diin pa ni Robby, "She is still alive and fighting for her life.

"Ano yun..natutuwa kayo na kayo ang mauna magbalita na patay yung tao? Sikat kayo? Please delete those post.

"We need to continue praying for her. Pls share this message guys para makarating sa mga nag post na wala na si Isabelle. Buhay pa sya!"

Sa sumunod naman niyang post ay sinabi ni Robby na may pagbabago sa kundisyon ni Isabel.

Aniya, "so I found out that Isabel Granada is stable now.

"Her vitals are anyway, Still in a coma but stable.

"So they should be preparing her for surgery soon. Let's all keep praying.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"She is indeed a fighter! Go Isa! fight pa sis!

"God give Isabel back to us."

BIANCA LAPUS. Sa kanyang hiwalay na Facebook post, ipinaliwanag naman ni Bianca kung bakit ibinahagi nila ang kundisyon ni Isabel.

Simula ng dating aktres, “Bawal mag disclose yung medical staff ng kahit anong info.

“Yung kilala ko na nurse dun hindi sya nag wowork sa hosp na yun pero andun sya right now kasi may patient sya private nurse sya nakikiusap lng ako to check on her alagaan sya dun.

“We also have friends who are on standby offering help/assistance sinabi ko na din ito sa husband nya earlier.

“There are some info na kaming friends nya cant post kasi dapat hospital or doctor or mismong family ni isabel lang ang pwede magsabi. We have to respect that.”

Pakiusap pa ni Bianca, “CAN WE FOCUS ON PRAYING FOR ISABEL?

“This is the ONLY Reason why we posted her situation. To gather Prayer Warriors for our dear friend who is fighting for her life.

“Let us not make other issues or false news out of it because this is a very difficult time for her and her family especially to her children.”

Pagkatapos nito ay nagbigay si Bianca ng update sa kundisyon ni Isabel.

Aniya, “But just to clear the false news. she is still in the ICU in a coma and still fighting pending for operation na sya inaantay lng maging stable… so let us all continue to pray for her po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN