Joshua Garcia, Julia Barretto react to her dad's theory that they are now a couple

IMAGE Noel Orsal

Joshua Garcia's promise to Julia Barretto's dad:


Tila relationship label na lang ang kulang kina Joshua Garcia at Julia Barretto, na ngayon ay mas naging bukas sa pagiging sweet nila sa isa’t isa.

Noong October 24, kitang-kita kung paano sila maghawak-kamay habang sila ay kinakapanayam ng piling entertainment reporters. 

Paano nila ito ipapaliwanag?

Sagot ni Joshua, “Ewan ko rin, e. Siguro naging kumportable kami na may hawak kami.

“Alam mo yung hawak namin yung isa’t isa?

“Like eto, etong feeling na ‘to, nakakakaba ‘to. Kaya eto yung ano namin...”

Dugtong naman ni Julia, “Nakakakuha kami ng strength from each other.”

Nakapanayam sina Joshua at Julia ni MJ Felipe ng Bandila at ilang entertainment reporters sa presscon ng #LYSBoniflix, na ginanap sa 9501 Restaurant sa ELJ Building, Quezon City, noong Martes.

Todo-iwas pa rin ang dalawa nang diretsahan silang tinanong kung opisyal na silang magkarelasyon.

Ito ay sa kabila ng pambubuking ng ama ni Julia na si Dennis Padilla na magkasintahan na ang dalawang Kapamilya young stars.

Si Julia ay panganay na anak ni Dennis sa dati nitong asawa na si Marjorie Barretto.

Natatawang balik-tanong ni Julia hinggil sa teorya ng ama, “Kinonfirm ba niya? Parang sabi niya, feeling niya lang.”

Paiwas ding sabi ni Joshua, “At least, alam natin na may points ako sa tatay niya. Hahaha!”

Kaugnay ito ng hiwalay na panayam kay Dennis, kung saan sinabi ng comedian-director na naniniwala siyang may relasyon na sina Joshua at Julia base sa ikinikilos ng mga ito.

Hindi naman daw basta papayag si Julia na makipag-holding hands kay Joshua kung hindi pa sila.


Stories We Are Tracking

Dennis Padilla dishes real score between Julia and Joshua
Dennis Padilla dishes real score between Julia and Joshua

Ngunit walang tuwirang pagtanggi o pagkumpirma mula sa dalawa. 

Sabi ni Julia, “I think Papa likes Josh to the point na he wants to believe that kami na.

“But, I think, at this point…”

Sa puntong ito ay tumingin si Julia kay Joshua at sinabing, “What ba at this point?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy ni Joshua, “Ini-enjoy lang talaga namin, e. Hindi naman kasi kami nagmamadali.

“Kasi kapag nagmadali kami, baka hindi namin alam kung anong papasukin namin.”


Kung anu't ano man, nagbitiw ng pangako si Julia sa ama ni Julia na si Dennis. 

Sabi ng The Good Son actor, "Ipinapangako ko na lang kay Tito Dennis na aalagaan ko yung anak niya." 

Sa karugtong na panayam ng PEP.ph ay nabanggit din ni Joshua na madaling napalapit ang loob niya sa beteranong aktor. 

“Si Tito Dennis, para siyang papa ko lang—komedyante lang, mabait, pero kapag nagalit, todo. So, same sila, e.

“So, kapag nag-bonding kaming tatlo, talagang nagkakaintindihan kami.

"Kasi siyempre, para siyang tatay ko rin, e."


Stories We Are Tracking

Joshua reacts to Julia's admission she's in love with him
Joshua reacts to Julia's admission she's in love with him


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN