Maxine Medina reveals Dianne Medina-Rodjun Cruz wedding will happen in 2018

IMAGE Noel Orsal

Maxine Medina knows, but she's not revealing the wedding date of her cousin Dianne Medina and Rodjun Cruz. She's happy to announce, however, that she is definitely in the wedding entourage, of course.


Inamin ni Maxine Medina na nagsisimula nang magplano ang pinsan niyang si Dianne Medina at ang fiancé nitong si Rodjun Cruz para sa nalalapit nilang pagpapakasal.

“Yung pinag-usapan pa lang namin, yung theme, e, yung color, kung sino ang mga nasa entourage niya,” sabi ng 27-year-old beauty queen-actress.

Pero pagdating sa date ng kasal, minabuti ni Maxine na sina Dianne, 30, at Rodjun, 30, na lang ang mag-announce.

Pero ang pagkakaalam daw niya ay magaganap ito sa susunod na taon, 2018.

Tiniyak din ni Maxine na magiging bahagi siya ng entourage.
   
“Siyempre, hindi ako puwedeng mawala, pinsan ako!” bulalas niya.

Ngunit sa naunang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Dianne, sinabi nitong posibleng sa December 2019 pa magaganap ang kasal nila ni Rodjun.

Ito ay dahil marami pa silang showbiz commitments na kailangang tapusin.


Stories We Are Tracking

Dianne Medina, Rodjun Cruz set wedding date in 2019
Dianne Medina, Rodjun Cruz set wedding date in 2019

Nakausap ng PEP.Ph si Maxine sa pocket presscon ng pelikulang Spirit of the Glass 2: The Haunted, na ginanap sa Limbaga 77, Quezon City, noong Martes, October 24.

Isa si Maxine sa mga bida sa pelikula.
   
INSPIRATION. Si Maxine ang isa sa masaya nang mag-propose si Rodjun kay Dianne.

Pahayag ni Miss Universe-Philippines 2016, “Sobrang na-touch ako dahil sobrang… si Rodjun, matagal na naming kinukulit.

“Ten years na sila, e, eighteen pa lang ako nun, kumanta pa nga siya nung debut ko.

“He’s been a part of the family ever since.”

Hindi nga raw napigilang maluha ni Maxine nang makita ang mga litrato ng proposal, lalo’t suot ni Dianne ang kanyang engagement ring.

“Nakakaiyak kasi ang dami na nilang pinagdaanan, tapos nasa showbiz pa sila together.

“Ang daming mga nangyari, mga good and bad, pero until now, sila pa rin,” pahayag niya.

Laki sa lolo at lola nila si Dianne, kaya hangad daw ni Maxine na matulad sa kanilang lolo at lola ang magiging samahan ng engaged couple.
   
Saad niya, “Inspiration kasi namin yung lolo at lola namin… hanggang ngayon, nagseselos pa rin yung lolo ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, every time na pinag-uusapan namin yung relationship, lagi silang nagbibigay sa amin ng mga advice.
   
“Nakakatuwang makita na na-apply ni Ate Dianne yun sa relationship nila.”


Stories We Are Tracking

Rodjun Cruz is now engaged to longtime GF Dianne Medina
Rodjun Cruz is now engaged to longtime GF Dianne Medina
Rodjun Cruz on his engagement:
Rodjun Cruz on his engagement: "Para akong lumulutang."

WHAT ABOUT HER? Samantala, aminado naman si Maxine na napag-uusapan na rin nila ng long-time boyfriend niyang model-actor na si Marx Topacio ang kasal, pero matagal pa raw mangyayari yun.
   
“Nag-uusap kami ng mga plans, pero hindi pa naman umabot sa ganung level,” pakli ni Maxine.
   
May mga gusto pa raw silang matupad sa mga pangarap nila at suportado nilang dalawa ang kani-kanilang career.
   
“Of course, we’re supporting each other to get that dream.
   
“May sari-sarili kaming dreams and hindi pa namin gaanong na-achieve.
   
“So, parang meron kaming goals, bago namin marating yun.

“At alam ko, meron pa siyang gustong gawin,” pahayag ni Maxine.                    


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN