Aljur Abrenica says "sorry" to Robin Padilla

IMAGE Noel Orsal

Aljur Abrenica (right) says sorry to Robin Padilla (left): "Tito Robin, nandito lang po ako. Sana po bukas po yung pintuan niyo." 


“Actually, hindi ko rin alam, e.”

Ito ang pag-amin ni Aljur Abrenica nang matanong kung kamusta ang relasyon nila ng ama ng partner niyang si Kylie Padilla—ang actor-director na si Robin Padilla.

Sabi pa ni Aljur sa relasyon nila ni Robin, “Hindi pa po kami nakakapag-usap.”

Na-interview ni Boy Abunda si Aljur sa episode ng Tonight With Boy Abunda nitong Miyerkules, October 25.

Hindi man daw niya alam kung ano ang dahilan, nag-sorry pa rin si Aljur kay Robin.

Pahayag ng 27-year-old actor, "Kung napapanood naman niya ito, kung may nagawa man ako na sa tingin niyo ay hindi maganda, parang naging kasalanan ko, humihingi na po ako ng sorry sa inyo.

“Dahil si Kylie po, wala naman po akong balak pabayaan ‘yan, mahal ko po ‘yan.

“At may tatay rin po ako. Nakikita ko rin yung saya ng tatay ko pag nakikita niya yung apo niya.

“Gusto ko ring makita rin ni Kylie sa tatay niya.”

Ngunit sa pamamagitan daw ni Kylie ay nagkakaroon naman sila ng komunikasyon ni Robin.

Mensahe pa ng bagong Kapamilya actor sa ama ni Kylie: “Tito Robin, nandito lang po ako. Sana po bukas po yung pintuan niyo.”  

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kylie, na nailathala noong October 2, inamin niyang hindi pa nagkakaayos ang kanyang ama at si Aljur.

Masama raw kasi ang loob ni Robin dahil ang gusto nito ay magpakasal muna sila ni Aljur. 

Pero nauna ang panganganak ni Kylie kay Alas Joaquin, na magta-tatlong buwan na sa November. 

Inamin din ng aktres na hindi pa nakikita ni Robin ang apo nito sa kanya.


Stories We Are Tracking

Kylie Padilla breaks silence on gap between Robin and Aljur
Kylie Padilla breaks silence on gap between Robin and Aljur
Kylie Padilla reveals why she can't marry Aljur Abrenica yet
Kylie Padilla reveals why she can't marry Aljur Abrenica yet

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN