Marian Rivera defended by co-stars, director over negative writeup

IMAGE Instagram photo of Shyr Valdez

"Walang katotohanan ang bintang na ito kay Marian Rivera at kaya namin patotohanan 'yan," says Shyr Valdez (second from left), co-star of Marian Rivera (second from right) in Super Ma'am. In this photo, Shyr and Marian are joined by co-stars Ashley Rivera (extreme left) and Meg Imperial (extreme right).


Ipinagtanggol si Marian Rivera ng kanyang co-stars at direktor sa Super Ma'am kaugnay ng negatibong write-up na lumabas tungkol sa Kapuso actress.

Noong Huwebes, October 19, nailathala sa tabloid na Bandera ang kolum ng showbiz writer na si Ronnie Carrasco III na may ganitong headline: “Misis ni Dingdong inireklamo ng ilang mga trabahador sa GMA 7.”

Nakasaad dito na may ilang pagkakataong bigla-bigla raw nagpapa-pack up si Marian ng taping ng pinagbibidahang primetime series ng GMA Network dahil “bad trip” ito o wala sa mood magtrabaho.

SHYR VALDEZ. Sa pamamagitan ng kanyang Instagram post nitong Miyerkules, October 25, pinabulaanan ni Shyr Valdez ang alegasyong ito tungkol kay Marian.

Sa Super Ma'am, si Shyr ang gumaganap bilang Ma'am Lailani, ang boss ng karakter ni Marian bilang Minerva.

Kalakip ng screenshot ng artikulong lumabas sa Bandera, sabi ni Shyr sa caption, “Nakakalungkot ang sinabi ng source na ito sa isang writer.”

Sa pagpapatuloy ng kanyang mahabang caption, inilarawan ni Shyr ang magandang samahan nila sa taping ng kanyang co-stars, lalo na kay Marian.

Aniya, “Sa totoo lang, maganda po ang samahan ng lahat ng artista at production ng #SuperMaam.

"Ako bilang isa sa cast ay magpapatunay na ang #PrimetimeQueen ay napakabait sa lahat. Walang arte sa kahit na anong aspeto ng show.

“Kahit po kumakain na si Yanyan, pero pag tinawag, magbibihis agad at pupunta na sa set.

“Kahit papalit palit sya between Super Maam at Minerva, wala sya reklamo.

“Kahit magtanong kayo sa iba pang cast at production namin, HAPPY SET po ang Super Maam.”

Dalawa ang karakter ni Marian sa teleserye: ang teacher na si Minerva at ang superhero na si Super Ma'am.

Nabanggit pa ni Shyr na mas minahal niya si Marian sa ikalawang beses na pagsasama nila sa Super Ma'am.

Saad niya, “Ako mismo, sa pangalawang pagkakataon na nakasama ko si Yanyan, #Carmela at itong #Supermaam, mas lalo ko minahal si @marianrivera dahil napaka totoong tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Walang katotohanan ang bintang na ito kay Marian Rivera at kaya namin patotohanan yan.

“Bakit ba kase kailangan manira nang ibang tao? Whoever the source is, sana masaya ka sa ginagawa mo. Haaaaaay....”

A post shared by Shyr Valdez (@shyrvaldez) on

SHEENA HALILI. Sa post na ito, nag-comment ang malapit na kaibigan ni Marian sa showbiz na si Sheena Halili.

Sabi ng StarStruck alumna patungkol sa source ng balita, “Kaya ganon yan kasi HINDI SIYA PINAPANSIN. Haha naiinggit! Gusto niya pinapansin din sya haha.

"Hindi si yan ang dapat magbago kasi siya ang naninira. @shyrvaldez."

Sagot ni Shyr sa kanya: “Ang saya lang Nak na meron tayong opportunity to know Yanyan personally. Kung alam lang nila gaano ka down to earth ang Ate Yan.”

Ilang proyekto na ang pinagsamahan nina Marian at Sheena, kabilang na ang launching TV series ng una, ang Marimar, na umere mula 2007 hanggang 2008.


Nag-comment din si Marian sa post na ito para pasalamatan si Shyr.

Sagot naman ni Shyr, “Basta dito lang ako at mga nagmamahal sayo na mga kaibigan mo. Love you. #SuperMaam.”


MATTHIAS RHOADS. Ang leading man ni Marian sa Super Ma'am na si Matthias Roads ay nag-post din sa kanyang Instagram story kamakailan para pabulaanan ang naisulat tungkol sa Kapuso actress.

Kalakip ang screenshot ng artikulong lumabas sa Bandera, sinabi ng Fil-Am newbie actor, “Don't believe everything you read in the media.

“Marian has been accommodating ang supportive of the new actors on set.

"And I thank her for her constructive feedback so I can improve my acting."

A post shared by Anna M (@hecarvi_orocan) on

DIREK L.A. MADRIDEJOS. Samantala, sa pamamagitan ng Facebook messenger, nakausap ng writer na ito ang direktor ng Super Ma'am na si L.A. Madridejos.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung totoong bigla-bigla na lang nagpapa-pack up si Marian ng taping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ng direktor, “Walang biglaang pagpa-pack up na naganap ng dahil sa kanya.”

Sinabi rin ni Direk L.A. na bago pa man nila simulan ang proyekto, nilinaw na ni Marian sa kanila kung ano ang mga concern niya pagdating sa schedule.

“Lahat ng concerns and parameters about sa sched nya e nakalatag from the start. So, alam namin.

“Minsan pa nga, e, nae-extend sya sa cut-off n'ya lalo 'pag fight scenes.”

Sinabi ni Marian noon sa kanyang mga dating interview na prayoridad niya ngayon ang pamilya, lalo pa't may anak na sila ng mister niyang si Dingdong Dantes—si Zia, na magda-dalawang taong gulang na sa November 23.

ANDREW GAN. Nauna nang nagsalita ang newcomer na si Andrew Gan at pinabulaanan din niya ang alegasyon laban kay Marian.

Si Andrew ay gumaganap sa Super Ma'am bilang si Keno, isang Tamawo warrior na nagsisilbi ring driver at personal assistant ni Greta (Jackie Lou Blanco).

Sabi ni Andrew sa kanyang Instagram post noong October 25: “Isang Malaking KASINUNGALINGAN. Honestly, before akala ko ganyan si Ate Yan. (Based sa naririnig ko).

"Pero ng makasama at makatrabaho ko na siya. Confirmed na hindi totoo ang sinasabi nila. Ang totoo niyan, masaya ang lahat kapag nandiyan siya.

"Sobrang down to earth, kalog at TOTOONG TAO. MALIIT man Or MALAKING artista same ang treatment ni ate Yan."

Sabi pa niya, "Proven yan, bilang AKO, na nagsisimula pa lang sa industry na ito. Naramdaman ko un pagiging totoo at pag mamahal ni ate Yan sa amin.

"Alam namin ang totoo. At bilang kapatid kita sa TripleA, hinding hindi ako magsasawa pag tanggol ka sa mga naninira at nang aapi sayo.

"Si God na bahala. Mahal ka namin ate @marianrivera?? #StopTheNegativity#FakeNews.”


Stories We Are Tracking

Newcomer Andrew Gan defends <em>Super Ma'am</em> co-star Marian Rivera
Newcomer Andrew Gan defends Super Ma'am co-star Marian Rivera


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN