Maxene Magalona wants to enjoy wedding planning with fiancé Rob Mananquil

IMAGE PR photo

Nang tanungin si Maxene Magalona kung paano niya nalaman na si Robby Mananquil na ang kanyang "The One," mabilis ang tugon nito. Sabi ng aktres, "Ay naku, si Rob, he makes everything so simple and easy. It feels natural. Parang siguro nadaanan ko yung mga hardships in the past para malaman kong eto yung madali."


Kinumpirma ni Maxene Magalona na nagkaroon na siya ng first fitting para sa kanyang wedding gown.

Unang na-post ito sa Instagram account ng nakababata niyang kapatid na si Saab Magalona-Bacarro noong October 5.

Went with Maxx to the first fitting of her wedding dress today!! So excited for you guys to see it ?????????????

A post shared by Saab Magalona-Bacarro (@saabmagalona) on

"Went with Max to the first fitting of her wedding dress today!! So excited for you guys to see it," sabi ni Saab sa caption nito.

Pero sabi ni Maxene sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), wala pa siyang maibibigay na detalye sa magaganap na kasal nila ng fiancé niyang si Robby Mananquil.

"Well, parang lahat kasi ng mga friends namin na kasal na, ang advice sa amin, i-enjoy namin yung process.

"Pareho kami ni Rob na, 'Mabilis lang 'yan.'

"Kumbaga, yung planning, before you know it, tapos na yung pagpa-plan, nandiyan na yung wedding.

"So, we just really wanna enjoy the planning process.

"So, as of now, ang na-decide namin, we thought of mga key words para ma-guide kami sa planning process.

"Kasi, alam namin na along the way, maraming mae-excite at magsasabing, 'A, ganitong gawin niyo, ganyan, dapat ganito.'

"So, para hindi kami mawala, nandun yung five key words namin.

"Yung intimate, meaningful... siyempre yung values, hindi dapat mawala yung core values... reasonable, and then special.

"Meaning, it’s something for us."

Habang wedding planning daw ay may mga bagay pang nadidiskubre si Maxene tungkol kay Rob, na isa ring guitar player.

Kuwento ng 30-year-old actress, "Nagulat ako habang nagpa-planning kami ni Rob [kasi] parang gusto pala niya maging fifty-fifty.

"Hindi ako lang yung... ako ang nagpa-plan. He wanted a collaboration between the two of us.

"That is why hindi ko idi-deny na there have been times na... nagkakaroon kami ng times na nagka-clash kami, kasi hindi namin ma-merge yung ideas together.

"So, as of now, wala pa talagang...basta next year."

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph si Maxene sa press preview ng Bench 30th anniversary show noong Lunes, October 23.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ginanap ito sa Ibiza Beach Club, sa Bonifacio Global City.

Ang mismong underwear show naman ay gaganapin sa November 18 sa MOA Arena.

Si Rob at ang banda nitong Pulso ang opening act bago rumampa ang mga models, pati na ang mga bagong dagdag na celebrity endorsers ng isa sa pinakamalaking clothing apparel at lifestyle brand sa bansa.

MUM ON WEDDING DETAILS. Tumangging magbigay ng mas malinaw na impormasyon si Maxene sa magaganap niyang kasal.

Pero ayon sa kanya, gusto nila ni Rob ng isang outdoor wedding.

"Yun yung naiisip namin, pero walang definite plan," ani Maxene.

Kahit may mga bali-balitang sa mga unang buwan ng 2018 ang kasal, tumanggi pa rin si Maxene na magbigay ng eksaktong date ng wedding nila.

Isinisikreto ba nila talaga sa public o sa mga fans nila ang kasal?

Sagot ng anak ng yumaong Master Rapper Francis Magalona, "Hindi naman.

"We just want to keep something with ourselves para maayos lahat, walang aberya, walang ano.

"Siyempre, he was a model and he is also a musician. So, ako rin, artista. 

"We’re both in this industry na usually lahat ng tao nakatingin, lahat nag-aabang.” 

Paaabutin daw muna ni Maxene ng dalawa o tatlong taon bago sila magbi-baby ni Rob. Nais raw niyang ituloy pa rin ang kanyang karera kahit may asawa na siya.

Tikom man sa wedding details, hindi naman maitago ni Maxene ang excitement para sa kanilang upcoming wedding.

Sabi pa niya, "Grabe, hindi ko ma-explain, yung butterflies nandito palagi. I’m just excited. 

"But the wedding is just one day.

"I’m more excited spending with my life with him, at kung ano ang mangyayari after the wedding, [sa] marriage namin.

"Kami ni Rob, tinitingnan kasi namin yung pagpapakasal na it's just one step in our lives.

"It doesn’t mean na maiiba na yung trabaho namin. Susuportahan pa rin namin ang isa’t isa sa mga gusto naming mga pangarap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya etong pagpapakasal namin, it's something na isi-share namin sa aming family and friends at sa isa’t isa, na parang celebration of our love.

"It doesn’t mean na magbabago yung trabaho namin."

You are my greatest adventure ???? #18

A post shared by Maxene Magalona (@maxenemagalona) on

ON ROB BEING THE ONE. Inusisa namin si Maxene tungkol sa love of her life.

Kailan niya naramdamang sigurado na siyang pakasalan si Rob? 

Mabilis na tugon ng aktres, "Ay naku, si Rob, he makes everything so simple and easy. It feels natural.

"Parang, siguro nadaanan ko yung mga hardships in the past para malaman kong eto yung madali.

"Siyempre may mga disagreement kami sometimes, but the one thing that I really love about him [is] he accepts me, he loves me for who I am, yung talagang ako. 

"I don’t have to change anything."

Patuloy niya, "Pero siyempre, may mga flaws ako na kailangang ayusin sa sarili ko, lahat naman tayo may ganun. 

"I need to mature more, but he’s been very, very helpful in that aspect. Sobrang understanding and patient sa akin.”

Dalawang taon at tatlong buwan pa lang daw ang romantic relationship nila, pero ramdam ni Maxene na si Rob na ang lalaking gusto niyang makasama habang buhay.

Paliwanag pa ng aktres, "Hindi ko alam kung kailan talaga exactly [nalaman], but I guess yung how we are as couple.

"Nakita ko na this is what I want to be. This is the person that I want to be and who I want to be with for the rest of life.

"And I like who I am when I’m with him. I became a better person.

"I became calmer, I became more at peace with myself. He helped find my peace, my inner peace."

May panahon daw sa buhay ni Maxene na nahirapan siya, at ito ay noong pumanaw ang kanyang amang si Francis Magalona.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo naman, dumaan ako sa dark phase of my life, especially when I lost my dad," pag-amin ni Maxene.

"Kaya pala ako, kasi sinasabi nila na parang hindi ko kaya maging mag-isa? Yun pala, kasi I’m trying to fill a void. Kasi I lost my dad."

Unexpected daw ang pagdating ni Rob sa kanyang buhay.

"When I met Rob, that's the time na sinabi ko sa sarili ko na single muna ako for a year.

"Kasi, the longest time before was three months lang, e.

"And then, I said to myself, 'Kung darating, darating.' And true enough, dumating.

"And alam niyo ba, hindi kami ipinakilala sa isa't isa?

"He really approached me by himself, nagpakilala siya... online!

"E, crush ko na siya from afar. Nagpakilala siya sa 'kin online, [sa] Facebook.

"Doon lang, siya lang yung nag-iisang lalaki na naglakas loob na lumapit.

"Unlike yung iba before na ipinakikilala ng friend."

Hinuha ng anak ng yumaong Master Rapper, "Siguro na-intimidate sila kay Papa?

"Kaya laging ipinakilala ng friends, kailangan group date.

"Eto [si Rob], siya lang ang mag-isang lumapit. It comes with his age, e. 

"He’s seven years older than me, e. I’m turning 31 in November.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN