Arnel Cowley on wife Isabel Granada: "She just collapsed without any warning."

IMAGE Instagram @isabelgranada21

Arnel Cowley says wife Isabel Granada had a happy vibe moments before she collapsed: "Nung nagto-talk siya, bigla na lang sabi niya, 'Ay, nahihilo ako.' And then she just collapsed without any warning. Before, there weren't any signs of anything. She was laughing… She was joking with me. It's quite difficult to take na this is what happened to my wife. It's a very difficult time for me. It's just sudden."


Inihayag ng mister ni Isabel Granada, si Arnel Cowley, na hindi niya akalaing ang tila simpleng sakit ng ulo ay mauuwi sa pagka-comatose ng aktres.

Sa live phone patch ng ABS-CBN late-night newscast na Bandila kagabi, Oktubre 25, ikinuwento ni Arnel na nagbibiruan pa silang mag-asawa noong mga oras bago mag-collapse si Isabel.

Lahad niya, “It’s quite sudden. We were just at a little office meeting with some of her fans.

“She did complain with a little bit of a headache in the morning.

"Pero parang headache lang, na parang any other person with a normal headache, so we didn’t pay attention to it.

“Certainly, sabi niya sa akin, ‘I need some paracetamol. We requested for [a paracetamol tablet], she took that.

“And nung nagtu-talk siya, bigla na lang sabi niya, 'Ay, nahihilo ako.'

"And then, she just collapsed without any warning.

“Before, there weren’t any signs of anything. She was laughing… she was joking with me."

Dagdag pa ni Arnel, “It’s quite difficult to take na this is what happened to my wife.

"It’s a very difficult time for me. It’s just sudden.”

CRITICAL BUT STABLE. Ayon kay Arnel, “critical” pero “stable” ang condition ng misis niyang si Isabel.

Nais daw sana niyang kunan ng larawan si Isabel upang mapakita niya sa mga kapamilya ng aktres ang eksaktong kalagayan nito sa ngayon.

Gusto rin daw kasi sana ng ina ni Isabel na kahit man lang sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono ay marinig ng anak ang boses niya.

Ngunit mahigpit daw na ipinagbabawal ang paggamit ng telepono sa Hamad General Hospital sa Doha, Qatar, kung saan kasalukuyang naka-confine ang aktres.

Ayon kay Arnel, “At the moment, she's still not responsive, unconscious pa siya…

“Wala pa po siyang kinakain. She still has a tube in her mouth.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But they did say that she can hear me.

"I’d be in her room naman po, I speak to her.

"Nagtu-talk ako sa kanya, as long as she can hear my voice."

Ooperahan ba si Isabel?

Sagot ni Arnel, “At the moment, it’s not an option.

“Siyempre po, they wanna really, really make sure that she’s stable, if they can actually go in, kasi there's a risk din po.

“So, sabi nila sa akin, if they can go in, when she's stable, they will certainly try.

“Pero for now, they are doing whatever they can.”

Wala raw alam si Arnel na anumang medical condition ni Isabel kaya ikinagulat niya nang bigla na lamang itong mag-collapse dahil sa aneurysm.

Lalo pa’t kilala niyang physically “fit” at “healthy” ang misis na mahilig maglaro ng volleyball, badminton, at basketball.

Patuloy ni Arnel, “She's very hyper active talaga.

“Sometimes, when she’s just sitting down at home, sabi niya, ‘Honey, swimming tayo.’ Or, ‘Baby, let’s walk to SM.’

Sa ngayon, patuloy raw ang pagsasagawa ni Arnel ng vigil sa ospital sa Doha at hinihiling niyang ipanalangin ang mabilis na paggaling ni Isabel.

MESSAGES FROM FRIENDS. Patuloy pa rin ang pagbuhos ng panalangin at positibong mensahe mula sa mga kaibigan ni Isabel sa showbiz:



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN