Kiko Estrada now on good terms with ex-girlfriend Barbie Forteza

IMAGE Noel Orsal / Rommel Gonzales

Sabay na nag-guest ang dating magkasintahang sina Kiko Estrada at Barbie Forteza sa isang game show, at iyon ang naging daan para magkasundo ang dalawa. Ayon kay Kiko, "I was the first one who said hi, and I said, 'You look beautiful and I'm so happy for you and Jak. I heard about it and, you know…'"


Tila maayos na ang sitwasyon sa pagitan ni Kiko Estrada at ng ex-girlfriend niyang si Barbie Forteza.

Nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung handa na siyang makatrabaho si Barbie sa isang proyekto sa GMA Network, mabilis na sagot ni Kiko: “Of course, of course!”

On good terms na sila matapos hindi magtagal ang kanilang relasyon?

“Yes, we’re on good terms, me and Barbie are on good terms,” tugon ng 22-year-old actor.

Nagkasama ang dating magkasintahan sa taping ng comedy-game show na Celebrity Bluff noong nakaraang linggo lamang.

Isa sa mga player si Kiko, habang isa naman sa mga bluffer si Barbie bilang Kissy Anino.

Kasama ni Kiko na naglaro sina Rocco Nacino, Bianca Umali, at ang isa pang ex-girlfriend niyang si Kim Rodriguez.

Iyon daw ang pinakaunang beses na nagkausap sina Kiko at Barbie matapos nilang mag-break.

Sino ang naunang makipag-usap?

Ayon kay Kiko, “I broke the ice, of course!

“I believe, in this situation, dapat gentleman yung mga lalaki.

“So, I was the first one who said hi, and I said, ‘You look beautiful and I’m so happy for you and Jak. I heard about it and, you know…’”

Ang nababalitang boyfriend ngayon ni Barbie, 20, ay ang Kapuso hunk na si Jak Roberto, 23.

Ano ang isinagot ni Barbie sa kanya?

Ayon kay Kiko, “She’s happy for me, too, and, you know, we’re happy with each other right now.

“And if we work with each other, we’re gonna do the best that we can to create a beautiful artwork.”

Patuloy niya, “I met Kim, too! I said hi.

“Pero I talked to Barbie more because Kim naman, we don’t need to talk.

“I mean, we don’t have any problems. I don’t see any ano with Kim.

“Pero, you know, I’m happy for Kim, too.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kiko sa taping ng drama anthology na Magpakailanman, kahapon ng tanghali, October 26, sa Balic-balic, Sampaloc, Manila.

Sina Kiko at Sophie Albert ang mga bida sa episode na pinamagatang “Nika Manika: The Possessed Doll.” Ipalalabas ito sa Sabado, October 28.


Stories We Are Tracking

Barbie Forteza and Kiko Estrada break up!
Barbie Forteza and Kiko Estrada break up!
Barbie on failed romance with Kiko:
Barbie on failed romance with Kiko: "Not my fault."
Kiko Estrada admits Barbie Forteza broke up with him
Kiko Estrada admits Barbie Forteza broke up with him
Kiko Estrada done talking about ex-girlfriend Barbie Forteza
Kiko Estrada done talking about ex-girlfriend Barbie Forteza


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN