Actor Cogie Domingo nabbed in buy-bust operation

IMAGE Courtesy: @domingocogie on Instagram

Nahuli ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang aktor na si Cogie Domingo dahil naaktuhan daw itong bumibili ng shabu sa Parañaque City. Kasama rin daw na inaresto ng PDEA operatives ang asawa nito.


Inaresto ang aktor na si Cogie Domingo ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 4-A, ngayong Biyernes ng madaling-araw, October 27.

Ayon sa mga lumabas na report, naaktuhan daw ng PDEA operatives si Cogie na bumibili ng shabu sa isinagawa nilang buy-bust operation sa BF Homes Parañaque City.

Sa pamamagitan ng telepono, tinawagan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derrick Carreon, chief ng PDEA Public Information Office, ngayong umaga.

Wala pa raw silang maibibigay na detalye tungkol sa pagkakahuli sa 32-anyos na aktor.

May follow-up operations pa raw kasing ginagawa ang PDEA Region 4-A tungkol sa insidente. 

Ang kinumpirma lang ni Carreon ay nasa kustodiya na ng PDEA Region 4-A, sa Camp Vicente Lim, sa Calamba, Laguna, si Cogie.

Kasama ni Cogie ang misis niyang si Ria Sacasas nang mahuli ang aktor.

Kaagad na ia-update ng PEP.ph ang artikulong ito kapag may panibagong detalye na kaming nakuha tungkol sa pagkakahuli kay Cogie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN