Alex Gonzaga not in a rush to marry boyfriend Mikee Morada

IMAGE Screengrab from Alex Gonzaga's Youtube account

TV host-actress Alex Gonzaga says that she's not in a rush to marry non-showbiz boyfriend Mikee Morada. "Ayaw natin bumalik sa [pagiging] heartbroken. So we're taking our time," says Alex.


Hindi nagmamadali si Alex Gonzaga na magpakasal sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Mikee Morada.

Sinabi ito ng Kapamilya TV host-actress nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung kailan niya ilalabas ang kanyang pangatlong libro.

Ayon kay Alex, gusto niyang isulat ito kapag ikakasal na siya.

Subalit hindi raw ito nangangahulugang malapit na siyang ikasal kay Mikee.

"Hindi pa rin, medyo matagal pa, huwag agad-agad.

"Ayaw natin bumalik sa [pagiging] heartbroken. So, we're taking our time."

Paano kapag bigla siyang ginulat ni Mikee at nag-propose ito sa kanya?

Natatawang sagot ni Alex, "Gugulatin ko rin siya, maggugulatan kami!"

Pero ayon sa 29-year-old TV host-actress, hindi rin naman nagmamadali si Mikee tungkol sa usaping kasalan.

"Yes, super okay naman [sa kanya].

"Yun yung sinasabi ko nga na siguro, for the longest time, I've been looking for someone who can understand and parang makaka-jive sa akin.

"So, pinipilit ko na magkaroon, kasi nga, medyo iba rin yung ang aking personality.

"So finally, kapag pala mayroong taong para sa 'yo talaga, doon ko naintindihan na if it will happen, it will happen. It will just click.

"So, wala nang masyadong effort na mag-click kayo or mag-jive kayo.

"Siyempre, you'll work on the relationship, pero yung pagki-click niyo, sa personality niyo and as human beings, wala akong problem."

Nakausap ng PEP.ph si Alex sa press launch ng ABS-CBN Mobile Exclusives, na ginanap sa 9501 Restaurant, ELJ Building, Quezon City, Huwebes ng gabi, October 26, 

LOVE ADVICE. Bilang host ng programa niya sa ABS-CBN Mobile na Dear Alex, trabaho ng nakakabatang kapatid ni Toni Gonzaga ang magbigay ng love advice para sa mga nangangailangan nito.

Ano namang payo ang maibibigay ni Alex sa sarili, ngayon masaya ang love life niya?

Sagot niya, "Siguro, just don't put any pressure and just enjoy each moment. Never rush anything.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi dati, I'm rushing sa pagkaroon ng boyfriend, hanggang sa nara-rush ako sa breakups.

"So ngayon, I don't want to rush anything, gusto ko lang i-enjoy every moment."

Unang nag-open up si Alex tungkol sa relasyon nila ni Mikee sa guest appearance niya sa Magandang Buhay noong January 13, 2017.

Dito ay ikinuwento niyang pitong buwan siyang niligawan ni Mikee bago niya ito sinagot noong November 2016.


Stories We Are Tracking

Alex Gonzaga and BF Mikee Morada reveal their love story
Alex Gonzaga and BF Mikee Morada reveal their love story
Alex Gonzaga wants to settle down when she turns 31
Alex Gonzaga wants to settle down when she turns 31
Alex Gonzaga explains why she sought parents' approval of BF
Alex Gonzaga explains why she sought parents' approval of BF
Alex Gonzaga reveals BF Mikee Morada is a good kisser
Alex Gonzaga reveals BF Mikee Morada is a good kisser


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN