Kiko Estrada strips down to his trunks for an endorsement

IMAGE Mark Atienza

Kiko Estrada on the possibility of wearing trunks at a fashion show: "I'm game naman for a photo shoot in trunks, pero runway is not my thing. I'm not a model."


Sa kauna-unahang pagkakataon ay pumayag ang Kapuso actor na si Kiko Estrada na magsuot ng trunks sa isang pictorial.

Ito ay para sa billboard ng Bench Body, ang underwear line ng local clothing brand na pagmamay-ari ni Ben Chan.

Paano siya nakumbinsing magsuot ng trunks sa pictorial?

Ayon sa 22-year-old actor, “Actually, iyon yung pinag-usapan namin ni Tito Arnold [Vegafria, his manager].

“Actually, I didn’t know that I signed for Bench Body. I thought I signed for Bench Apparel.

“I signed for both and, well, I don’t know… I was looking for my billboard, it’s gonna be in Guadalupe daw.”

Pero hindi raw siguro makakaya ni Kiko na rumampa nang naka-trunks sa denim and underwear fashion na Under The Stars, na gaganapin sa MOA Arena, sa November 18.

“I don’t think I can walk in trunks.

“I would rather… I’d feel comfortable in pants, pero hubad.”

Kapag nakita ng mga tao ang billboard niyang naka-trunks siya, natural na mag-expect ang mga manonood ng fashion show na magta-trunks or briefs din si Kiko.

Sabi ng binata tungkol dito, “Well, it’s something that I… gusto ko misteryoso ako, e.

“Kumbaga, ano pang aabangan nila sa TV pag nagpakita na ako ng…

“It’s either pants or trunks. But I think I’m favoring pants.”

May tsansang mag-trunks siya sa Under The Stars fashion show?

Sagot ni Kiko, “There’s a small chance.

“Pero, you know, I don’t want to show everything because, alam mo, siyempre we have to keep some mystery to yourself.

“Bata pa naman tayo at marami pa tayong gustong gawin.

“I think, yung pagta-trunks na yun, may ibabagay siya for a certain role, dun natin ilalabas."

Paliwanag niya, “Number one, I’m not a celebrity, I’m an actor. And I really focus on acting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And itong endorsement na ito is just a blessing in disguise.

“I’m game naman for a photo shoot in trunks, pero runway is not my thing. I’m not a model.

“I’m trying to break the ice pero, you know, kasi I wanted sana…

“It’s a career move for acting, because I’m an actor, I’m not… okay naman, masaya naman ako sa Bench deal.”

Pero diin niya, “I am more concentrated on acting.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kiko sa taping ng GMA-7 drama anthology na Magpakailanman, sa Balic-balic, Sampaloc, Manila, nitong Huwebes, October 26.

LIKE FATHER, LIKE SON. Samantala, naging viral sa social media kamakailan ang ginawang pagkukumpara ng netizens sa sexy photos ni Kiko at ng kanyang amang si Gary Estrada.

Noong kasagsagan ng career ni Gary noong ‘90s ay isa rin siya sa itinuturing na hunks sa showbiz.


Sa isang interbyu kay Gary, sinabi nitong nagpapaganda siyang muli ng katawan.

Kung may offer daw na mag-pictorial sila ni Kiko na magkasama ay papayag ito at makikipagsabayan sa pagiging hunk ng anak.


Stories We Are Tracking

Gary Estrada speaks up about son Kiko's video scandal
Gary Estrada speaks up about son Kiko's video scandal

Sabi naman ni Kiko tungkol dito, “Yes! Gusto daw niya…

“Actually, may plano kaming gumawa ng indie film, action-fantasy.

“It’s his movie before, it’s called Barang.

“Dati siyang pelikula na gagawin niya with Johnny Delgado, siya at Assunta de Rossi dapat.

“So ngayon, I read the script already, we’re planning to shoot it this summer.

“And I’m gonna be the male lead and siya yung kontrabida.”

Kaya ba niyang “suntukin” ang tatay niya sa magiging fight scenes nila kung sakali?

“Mahal ko yung tatay ko, e… susuntukin ko siya ng pagmamahal!” natawang sabi ni Kiko.

Si Kiko ay anak ni Gary sa aktres na si Cheska Diaz.

Bagamat hindi lumaki si Kiko na hindi kasama ang ama, ngayon ay mas lalo silang naging close.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad ng binata, “You know what, ngayon ko lang naramdaman yung sobrang na-appreciate ko yung papa ko, because sobrang ganda ng mga advice na ibinibigay niya sa akin.

“And I’m just lucky to have a dad like him, na binibigyan ako ng advice, kasi pinagdaanan niya na po yung mga pinagdaanan ko.

“It’s just good to have someone on your back, in your corner saying, ‘Anak, kaya mo ‘yan, timing na lang yung kulang. Iyon na lang.’”

Ano ang maituturing niyang pinakamagandang payo sa kanya ng tatay niya?

“Best advice? ‘Huwag kang mainip, anak! Dadating rin ‘yan kasi magaling ka!’” sagot ni Kiko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN