Isabel Granada's mother asks for more prayers; son, ex-husband express love and support for actress

IMAGE Courtesy: Isabel Granada on Facebook / Junn Luistro Photography

Lilipad patungong Doha, Qatar ang pamilya ni Isabel Granada upang makapiling ang actress-singer, na kasalukuyang naka-confine sa Hamad General Hospital dahil sa brain aneurysm. 


Anumang oras ay lilipad papuntang Qatar ang immediate family ni Isabel Granada—ang ina niyang si Isabel ‘Mommy Guapa’ Castro-Granada, anak na si Hubert Thomas Jericho Aguas, at dating asawang si Jericho ‘Geryk’ Genasky Aguas.

Kasalukuyang naka-confine at unconscious pa rin ang 41-year-old actress-singer sa Surgical Intensive Care Unit (SICU) ng Hamad General Hospital sa Doha, Qatar.

Ito ay matapos bigla na lamang mag-collapse si Isabel noong Martes, October 24.

Sa ulat ng 24 Oras ng GMA Network kagabi, October 26, patuloy na nananawagan ng dasal ang ina ni Isabel upang makaligtas ito sa bingit ng kamatayan ang anak.

Naiiyak na pahayag ni Mommy Guapa, “Hindi ko kaya, hindi ko kaya talaga.

"Ituloy niyo ang pagdadasal para sa anak ko, mabuhay siya, magising siya."

Ayon pa sa ina ni Isabel, naka-text pa niya ang anak bago pa ito isinugod sa ospital dahil sa brain aneurysm.

Naiiyak naman ang anak ni Isabel na si Hubert, 14, sa sinapit ng ina.

Sabi ng binatilyo, "Yayakapin ko po siya, hahawakan ko po yung kamay niya, tapos hihingi po ako ng tawad na hindi ko siya gaanong nakakausap."

Ayon naman sa ex-husband ni Isabel na si Geryk, hindi siya makakapayag na iwan silang muli ng dating asawa.

Pahayag niya, “Andito kami ng anak niya, ng nanay niya.

"Kumbaga, naiwan na kami ng isang beses ni Isabel, kaming tatlo.

"Ngayon po, kung maaari, hindi na po namin pababayaan mangyari yun."

Kahit hiwalay na sila, nananatili raw ang pagmamahal ni Geryk kay Isabel.

Sabi niya, "Alam ko po na alam niya na mahal na mahal ko po siya.

"Sabi ko po sa kanya, 'I will love you for eternity.'"

Sa ngayon, nananatiling stable ang vital signs ni Isabel ngunit unconscious pa rin ito.

Dumagsa naman ang prayer warriors ng aktres sa ospital kung saan ito naka-confine upang ipagdasal ang kanyang mabilis na paggaling.  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Isabel Granada in coma after collapsing in Doha, Qatar
Isabel Granada in coma after collapsing in Doha, Qatar
Isabel's husband speaks up to end inaccurate speculations
Isabel's husband speaks up to end inaccurate speculations
Isabel Granada remains unconscious, says relative
Isabel Granada remains unconscious, says relative
Arnel Cowley on wife Isabel Granada:
Arnel Cowley on wife Isabel Granada: "She just collapsed without any warning."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN