Is Marco Gallo ready to go solo after breakup of love team with Kisses Delavin?

IMAGE James Patrick Anarcon / Noel Orsal

Marco Gallo is not yet sure if he will have a new partner after the breakup of his love team with Kisses Delavin. "Sa ngayon, wala pa po, kasi hindi ko po alam kung anong gusto ng management para sa akin. Pero ako, basta kahit anong ibigay nila, hindi ko po ire-refuse, tatanggapin ko po with open arms," says the Kapamilya teen actor.


Handa na raw si Marco Gallo mag-solo pagkatapos ng biglaang pagkabuwag ng love team niya kay Kisses Delavin, ang KissMarc.

Binigla ni Kisses ang KissMarc fans nang inanunsiyo niya noong Miyerkules, October 25, na hindi na sila magka-love team ni Marco.

Pinaniniwalaang nag-ugat ito nang magkaroon ng tensiyon sa pagitan ng dalawa sa kanilang Kapamilya Chat session noong October 13.


Stories We Are Tracking

What caused the breakup of KissMarc love team?
What caused the breakup of KissMarc love team?

Naniniwala si Marco na ang paghihiwalay nila ni Kisses, bilang magka-love team, ay isa lamang sa mga pagsubok na kailangan niyang lagpasan sa showbiz.

Pahayag ng 16-year-old Fil-Italian actor, "Sa akin, okay lang, e.

"Kasi it's... sa lahat naman, dapat may preparations, sa lahat, kahit di mo inaakala, dapat kayanin mo.

"Kasi yung mga... dapat matuto ka talaga na mag-adjust to learn from the thing that happens.

"And that's why God gave us mga challenges, kasi hindi naman ibibigay ni Lord yung challenge na yun kung hindi naman kakayanin namin."

Inamin ng former Pinoy Big Brother Lucky 7 housemate na hindi pa niya alam kung ano ang plano ng management para sa kanya ngayon.

Wala pa rin daw siyang balita kung may bagong ipapareha sa kanya ang ABS-CBN.

Saad ng Star Magic talent, "Sa ngayon, wala pa po, kasi hindi ko po alam kung anong gusto ng management para sa akin.

"Pero ako, basta kahit anong ibigay nila, hindi ko po ire-refuse, tatanggapin ko po with open arms.

"Kasi, I'm sure that I will learn something from this new love team.

"And I don't know what's gonna happen, kasi hindi naman ako nakakahiraya about the future.

"But I'm very open about it."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Marco pagkatapos ng press conference ng ABS-CBN Mobile Exclusives, na ginanap sa 9501 Restaurant ng ABS-CBN, Huwebes ng gabi, October 27.

FRIENDSHIP WITH KISSES. Samantala, sa hiwalay na panayam kay Marco ng entertainment website na Push, inamin ng binata na nalungkot siya sa naging falling out nila ni Kisses.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, "Siyempre, nakakalungkot po sa nangyari.

"Pero nagpapasalamat naman po ako kay Kisses at sa lahat ng fans na sumuporta sa amin, kasi ang dami ko namang natutunan from her and from all the things that happened.

"I really hope that one day we're gonna be friends again.

"And I really hope na tuloy pa rin ang suporta ng KissMarc sa both sa aming dalawa, kahit ngayon, yung mga projects namin, we are gonna be on solo projects, individually not together anymore."

Sa huli ay umaasa si Marco na magkaayos sila ni Kisses.

Subalit hihintayin daw niya ang panahon kung kailan handa na nilang pag-usapan ang mga nangyari.

"Katulad ng mga normal na tao, kailangan ng panahon, the right time to talk about what happened between us.

"And I am looking forward to be okay with her, kasi she's still my friend.

"I still spent so many memories with her."


Stories We Are Tracking

Kisses Delavin wants to see consistency from Marco Gallo
Kisses Delavin wants to see consistency from Marco Gallo
Marco Gallo vows to be defender of Kisses Delavin
Marco Gallo vows to be defender of Kisses Delavin
Kisses Delavin almost quit showbiz because of Marco Gallo
Kisses Delavin almost quit showbiz because of Marco Gallo
What caused the breakup of KissMarc love team?
What caused the breakup of KissMarc love team?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN