DJ Durano shocked to hear about what happened to Isabel Granada

IMAGE File

DJ Durano is shocked to hear about what happened to his friend and colleague Isabel Granada. He said, "Actually ka-text ko si Isabel... Nangangamusta siya, kinukumusta niya yung baby ko. All of a sudden, nabalitaan ko na lang."


Ikinagulat daw ni DJ Durano ang sinapit ng kapanabayan niya sa That's Entertainment na si Isabel Granada.

Unconscious pa rin ngayon ang singer-actress matapos nitong mag-collapse noong October 24, habang nasa Doha, Qatar.

Ayon kay DJ, “Si Isabel, kasabay ko 'yan.

"Naging leading lady ko pa siya sa Regal, may ginawa kaming pelikula.

“Actually, ka-text ko si Isabel lagi, kasi kinukuha niya ako sa isang parang networking.

“Nangangamusta siya, kinukumusta niya yung baby ko.

“All of a sudden, nabalitaan ko na lang thru Robby Tarroza.

"Kasi ka-Facebook ko si Robby, una, parang, ‘Ha?!’

“Nag-post ulit si Bianca Lapus, naniwala na ako, tapos tsinek ko sa thread, totoo nga!"

Patuloy ni DJ, “I’m praying for Isabel kasi ang healthy nun, ng lifestyle nun.

“Siguro, hindi mo naman masasabing stress, kasi she’s fine, may trabaho naman siya.

“Nagulat ako. Pero alam mo yun, minsan yung mga taong hindi mo akalain, sila pa yung... di ba?

“Talagang hindi mo masasabi, napakaano ng buhay.”


Stories We Are Tracking

Isabel Granada in coma after collapsing in Doha, Qatar
Isabel Granada in coma after collapsing in Doha, Qatar
Isabel's husband speaks up to end inaccurate speculations
Isabel's husband speaks up to end inaccurate speculations
Isabel Granada remains unconscious, says relative
Isabel Granada remains unconscious, says relative
Arnel Cowley on wife Isabel Granada:
Arnel Cowley on wife Isabel Granada: "She just collapsed without any warning."

DJ'S DAUGHTER. Sa kabilang banda, masaya namang ibinalita ni DJ Durano na maayos na ang kalagayan ng kanyang anak.

“Bale seven months siya, premature nung nilabas.

"Ngayon, nine months na siya, she’s okay na,” sabi ng aktor.

Inoperahan ang anak ni DJ dahil nagkaroon ito ng pleural effusion o tubig sa baga.

Ayon sa medicinenet.com, "A pleural effusion is a buildup of fluid in the pleural space, an area between the layers of tissue that line the lungs and the chest cavity."

Lahad pa ng 43-year-old actor, “Ayaw nga naming paoperahan, so talagang sobra kaming dasal, kasi hindi niya kakayanin, e.

“Walang choice kasi iyon, kailangang matanggal.

"Kasi, kapag lumaki, mas mahihirapan siya.

“She’s okay na, she’s going out na next month.

“Bronchopulmonary sequestration lang talaga, parang may tumubo lang na mass sa lungs niya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa Medscape, "Pulmonary sequestration is a cystic or solid mass composed of non-functioning primitive tissue that does not communicate with the tracheobronchial tree and has anomalous systemic blood supply. It is a type of congenital thoracic malformation. It may present as a lung infection on physical examination and chest imaging."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si DJ sa taping ng Kapuso drama anthology na Magpakailanman, sa Sampaloc, Manila, noong Huwebes, October 26.

Kasama siya sa cast ng episode na “Nika Manika: The Possessed Doll” na ipalalabas ngayong Sabado, October 28.

WORK ANYWHERE. Dahil napapanood siya ngayon sa GMA Network, tinanong namin si DJ kung siya ba ay Kapuso o Kapamilya.

Sagot niya, “Basta kung saan may trabaho, kung saan may trabaho.”

Si Rams David ang manager ni DJ ngayon.

“Tsaka actually, yung Viva rin, they’re giving me, ever since naman, may movie ako sa kanila, yung Squad Goals.

“Meron akong gagawing soap sa GMA, kami ni Matt Evans.”

Alaga na rin ni Rams si Matt.

Kailan pa naging talent ni Rams si DJ?

“Actually, si Rams, mga two years ago, puro advise-advise, hanggang sa eto, sabi niya, ‘Halika, tutulungan kita.’”

Dahil may gagawin na siyang drama series sa GMA-7, ibig sabihin ay Kapuso na siya?

“Malamang, oo. Kung saan may trabaho,” sagot ni DJ.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN