Netizen calls out Angelica Panganiban for allegedly cutting the line in immigration

IMAGE Courtesy: JC Valenzuela on Facebook

Usap-usapan ngayon ang post ng isang netizen sa Facebook tungkol sa diumano'y pagsingit ng grupo ni Angelica Panganiban sa pila sa immigration sa airport. Kahit daw sinabihan na sila ng mga taong nauna sa kanila sa pila, hindi pa rin daw umalis ang mga ito. 


Pinag-uusapan ngayon sa social media ang Facebook post ng isang netizen tungkol sa pagsingit diumano sa pila sa immigration ng aktres na si Angelica Panganiban at mga kasama nito.

Lahad ng isang JC Valenzuela sa Facebook post ngayong Biyernes, October 27, nasa pila raw siya sa immigration nang bigla na lamang daw nag-cut sa linya si Angelica at mga kasama nito.

Kinilala ng netizen ang mga kasama diumano ng Kapamilya actress bilang sina Jing Monis at Juan Sarte.

Si Jing ay kilalang hairstylist ng mga celebrity, habang si Juan naman ang isa sa top makeup artists sa bansa.

Tinawag pang “assholes” ng netizens ang tatlo.

Sa larawan kasama ng FB post ng netizen, tanging ang mukha ni Angelica, na nakasuot ng shades, ang malinaw na nakikita. Hindi naman kita nang buo ang dalawang kasama nito.

Sabi ni JC sa caption ng kanyang FB post ngayong Biyernes, October 27:

“You know why the Philippines is poor? It’s because local hairstylists like Jing Monis, Juan Sarte, and 'celebrity' [Angelica] Panganiban cuts the line in immigration. Good human behavior is free. Assholes."


Sa comments section, sinabi ng netizen na tinawag niya ang pansin ng tatlo, ngunit hindi raw nagpatinag ang grupo ng aktres.

Dito na raw niya kinunan ng litrato si Angelica at mga kasama nito dahil ayaw ng mga itong umalis sa pila.

Sabi pa ng netizen, "Super entitlement issues. I respect every profession so i wont even go there, but the fu*king nerve to think theyre bigger."



Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na papuntang Taiwan ang grupo ni Angelica.

Nagpadala na ang PEP.ph ng mensahe kina Angelica, Jing, at Juan sa kanilang social media accounts upang kunin ang panig nila kaugnay ng akusasyon ng netizen.

Wala pa kaming nakukuhang kasagutan habang isinusulat ang artikulong ito.

Mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig nina Angelica, Jing, at Juan kaugnay ng akusasyong ito ng netizen. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN