Dingdong Dantes castigates columnist for "malicious" writeup about wife Marian Rivera

IMAGE Rose Garcia

Dingdong Dantes to entertainment columnist who "nsulted" his wife Marian Rivera: "Walang sinuman, lalo na sa isang katulad mong may 'accountability' sa publiko, ang pwedeng umabuso sa kahit kanino. Hinding hindi ko papayagang may umabuso at bumastos sa pamilya ko— lalo na sa asawa't anak ko."


Nagsalita na ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes upang ipagtanggol ang misis niyang si Marian Rivera.

Ito ay kaugnay ng isinulat ng entertainment writer na si Ronnie Carrasco III, sa kolum niya sa Bandera, noong October 19, 2017, na may headline na: “Misis ni Dingdong inireklamo ng ilang mga trabahador sa GMA 7.”

Nakasaad sa kolum ni Carrasco ang kuwento ng isang source niya tungkol sa “work ethic” diumano ni Marian, na bida sa Kapuso primetime series na Super Ma’am.

Sabi raw ng source tungkol kay Marian: “Di ba, noon meron pa siyang self-titled show, ang madalas ireklamo sa kanya, eh, ‘yung pagpa-pack up niya ng taping kapag wala siya sa mood?

“Kuya Ron, nothing has changed. Kapag bad trip din siya sa kung anumang dahilan, itsurang taping day na ng kanyang serye, eh, bigla-bigla niyang ipapa-pack up ‘yon! Alam ba niya na ginagastusan nang malaki ang bawat taping?”

Nauna na itong pinabulaanan ng ilang co-stars at maging direktor ni Marian sa Super Ma’am.


Stories We Are Tracking

Newcomer Andrew Gan defends <em>Super Ma'am</em> co-star Marian Rivera
Newcomer Andrew Gan defends Super Ma'am co-star Marian Rivera
Marian defended by co-stars, director over negative writeup
Marian defended by co-stars, director over negative writeup

DINGDONG SPEAKS UP. Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, nag-post si Dingdong ng isang mahabang open letter para kay Carrasco ngayong Biyernes, October 27.  

Kalakip nito ang screen shot ng nailathalang kolumn ni Carrasco tungkol kay Marian.

Panimula ni Dingdong, “Nakarating po sa akin ang isang article na isinulat mo tungkol sa pangrereklamo di umano sa asawa ko ng kaniyang mga ka-trabaho.

“There are more than a hundred people in a tv show production— almost all are contractual talents, some suppliers, and a very few regular employees of the network.”

Tinawag ni Dingdong na “malicious” ang isinulat ni Carrasco tungkol sa kanyang asawa.

“Nagsalita na ang ilan sa co-actors niya disputing your malicious allegations. I say malicious because your statements have not been proven by any reliable source. 

“At kung mayroon mang ganitong kaganapan sa set ng kanilang show, hindi ba’t nararapat na manggaling ito mula sa top Executive-on-location? 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako mismo ay humingi ng confirmation sa Executive Producer, o EP, nila na si Nieva Sabit.

“Ayon sa kaniya, ‘I've worked with Marian Rivera since the phenomenal Marimar that catapulted her to fame. With the many years we've shared in this industry, I can confidently attest that she has remained professional, passionate, and always willing to share her creative inputs to her shows. She has always been gracious and well loved in the set. With Super Ma'am, I've witnessed how she would willingly perform even the most dangerous stunts and execute each one to the best that she can. And despite the demands of being a mother, she is always willing to adjust to unavoidable production constraints.’”

Patuloy ng 37-year-old actor, “Kung mayroong tao na maaaring sumagot tungkol sa kahit anong nangyayari sa set -- mula sa cellphone number ng Direktor, hanggang sa kahuli-hulihang pako at tissue na ginagamit sa paglikha ng isang tv show, ito ay ang EP. 

“Now, between this and your ‘source’, which you chose to hide, sino ang dapat paniwalaan?”

Kinastigo rin ng bida ng Alyas Robin Hood si Carrasco sa “lantarang pang-iinsulto” nito kay Marian.

Saad ni Dingdong, “Kayo po ay bahagi ng isang respetadong pahayagan kung saan ang mga ibinabalita ay dapat pawang katotohanan at hindi gawa-gawa lamang. 

“Sa ginawa po ninyong ito, tila wala kayong pinagkaiba sa mga nagkakalat ng mga maling balitang talaga namang nakakasira ng lipunan.

“Pero wag po kayong magalala, Kuya Ronnie, pinapatawad ko na ang pagkakamaling ito na sa aking pananaw ay resulta lamang, maaari, ng kapabayaan. 

“Subalit ang problema ko po ay ito -- nabasa ko rin, mula sa ilang mga artikulo niyo nitong mga nakaraang buwan ang lantarang pangiinsulto sa aking asawa. 

“Kami po’y mga aktor at normal lamang na mabatikos. Tatanggapin po namin iyon.

“Ang hindi katanggap-tanggap ay kapag ang batikos o commentary ay hindi objective at constructive, kundi personal at below the belt na umaabot pa sa ‘name calling’.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa iyong tono, mukhang matindi ang pait sa puso mo.

“Hindi ko aalisin sa iyo yan dahil karapatan mo yan. Pero hindi ko hahayaang mabastos ang asawa ko, gamit ang iyong pananalita. 

“Sayang, dahil sa ganitong kalidad ng pagpapahayag ay ibinababa mo ang standard ng entertainment writing.

“Hindi kasi ganyan ang pagkakakilala ko sa mga respetadong manunulat na marami sa kanila ay kaibigan ko at tinitingala ko.”

Patuloy ni Dingdong, “Lahat naman po tayo ay nagkakamali. Kami man ay may mga pagkakamali rin.

“Kaya hindi ko po kayo huhusgahan, ngunit, walang sinuman, lalo na sa isang katulad mong may ‘accountability’ sa publiko, ang pwedeng umabuso sa kahit kanino.

“Hinding hindi ko papayagang may umabuso at bumastos sa pamilya ko— lalo na sa asawa't anak ko. 

“Malamang marami rin ang mga kabataang sumusubaybay sa iyo. Ito ba ang klase ng pamamahayag na itinuturo dapat sa kanila?

“Media, aside from providing entertainment, should more importantly be a source of reliable information which can be educational and inspirational. 

“If this is the kind of entertainment you are into, then we do not want to be a part of it.

“I believe that our audience, our listeners and our readers deserve more, especially the young ones. 

“‘Heart over Hate’, ika nga sa GMA— kung saan ka dati kabilang.”

Si Carrasco ay dating writer ng defunct showbiz talk show ng GMA-7 na Startalk.

MARIAN’S REACTION. Pagkatapos mabasa ng writer na ito ang isinulat ni Dingdong sa Facebook, kinontak namin si Marian upang hingan ng kanyang reaksiyon.

Kasalukuyan siyang nagte-taping ng Super Ma'am at wala raw siyang ideya sa ginawa ng asawa. 

Kami pa ang nagpadala kay Marian ng open letter ni Dingdong upang mabasa niya ito.

Nang makausap namin siya saglit, iyak nang iyak ang 32-year-old actress sa isinulat ng kanyang Mister.

Ang tanging nasabi ni Marian sa amin, “Mahal na mahal ko ang pamilya namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagtatrabaho lang naman ako nang maayos para sa magandang kinabukasan ng pamilya namin, higit para sa aming anak.”

Hindi na sinagot ni Marian kung may katotohanan ang ibinalita ni Carrasco at, kung hindi man, kung saan kaya ito maaring nanggaling.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN