Cogie Domingo strongly denies using, selling drugs; claims he was set up

IMAGE Screengrab from DZMM

Iniharap ng PDEA ang aktor na si Cogie Domingo sa press conference na ginanap sa Camp Vicente Lim sa Calamba, Laguna, ngayong hapon, October 27.


Itinanggi ni Cogie Domingo na bumibili siya ng ilegal na droga nang mahuli ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 4-A, sa BF Homes, Parañaque City, kaninang Biyernes ng madaling-araw, October 27.

Sinabi ito ng aktor nang iharap siya ng PDEA sa press conference na ginanap sa Camp Vicente Lim sa Calamba, Laguna, ngayong hapon.

Kasama ng 32-anyos na aktor ang kanyang ama na si Atty. Rod Domingo.

Dito ay mariing pinabulaanan ng aktor na siya ay bumili o nagbenta ng droga nang nasakote siya ng PDEA operatives.


Pahayag ni Cogie, “Hindi po ako nagbebenta. Hindi rin po ko bumibili.

"Hindi ko po alam kung ano yung ebidensiya laban po sa akin.

“Sa totoo niyan, kumakain lamang po kami ng dinner.

"Nagulat na lang ako na meron pong mga pulis dun at nagkaroon ng hulihan."

Dagdag pa niya, “Yun nga po, nagulat lang po ako dun sa nangyari at kumakain lang po kami.

“Hindi ko alam kung ano yung evidence laban po sa akin, pero nandito po yung dad ko to talk more about it."

Kasama ni Cogie na inaresto sina Almira Bautista at Francisco Lim, na target talaga ng mga operatiba dahil sa pagbebenta diumano ng ilegal na droga.


Ayon sa PDEA, may mga drug paraphernalia raw na nakumpiska sa loob ng kotse ng aktor na magpapatunay na gumagamit ito ng ilegal na droga.

Mariin din itong itinanggi ni Cogie.

Aniya, “Hindi po sa akin yun. I believe na na-set up lang po ako kaya ganun.”

May drug-sniffing dogs daw na ginamit ang mga operatiba upang amuyin ang loob ng sasakyan ng aktor, at nag-positibo raw ito sa illegal drugs.

Pero hindi raw ito alam ni Cogie.

Sabi niya, “Wala po akong alam dun sa mga drug-sniffing dogs, wala po akong nakitang ganun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


“I’M NOT USING DRUGS.” Direktang tinanong ng isang reporter si Cogie kung gumagamit siya ng ilegal na droga.

Tugon ng aktor, “No po. I’m not using drugs.”

Sa katunayan, nag-negatibo raw siya sa drug test nitong nakaraang taon.

Bagamat inamin ni Cogie na nakagamit na siya nito, pero matagal na raw iyon.

“Yes, I tried before, and there were those times.

"Pero it was a long time ago, and I’m not using drugs now."

Malinis na siya sa droga?

“Opo,” sagot ni Cogie.

Handa rin daw ang aktor na sumailalim muli sa drug test upang patunayang hindi na siya gumagamit nito.

Ayon naman sa ama niyang si Atty. Rod Domingo, nagulat siya sa pangyayari dahil alam niyang hindi nagda-drugs ang kanyang anak.

Saad niya, “Nalulungkot ako na kailangan kong humarap sa inyo.

"Sa pagkakataon ito na ako’y humaharap, hindi bilang isang abugado kundi sumusuporta ako sa aking anak na alam kong hindi nagdudroga, hindi nagbebenta...

"He is not in any way related to drugs."



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN