Julie Anne San Jose still gets starstruck with Regine Velasquez

IMAGE Bernie V. Franco

Julie Anne San Jose feels grateful to be chosen by Regine Velasquez as one of the next big female singers in the country.


“Nakakaiyak, sobrang mixed emotions pa rin, like, hanggang ngayon, parang surreal.”

Ito ang pahayag ni Julie Anne San Jose nang matanong tungkol sa duet nila ni Regine Velasquez sa R3.0 concert ng Asia's Songbird.

Sabi pa ng singer-actress, “Hindi ako makapaniwala. Nag-perform ako sa concert niya.

"Alam ko sa sarili ko na maipagmamalaki ko rin. Sobrang grateful lang talaga."

Ilang beses na niyang naka-duet si Regine, pero lagi pa rin daw siyang namamangha.

Ayon kay Julie Anne, “That really is one for the books naman.

"Tsaka iba pa rin po talaga pag kasama mo ang idol mo sa stage.

“Ever since, si Ate Reg, pag nagpe-perform siya, parang pag nakikita ko siya every time, nai-starstruck talaga ako.

"Kahit ilang beses na kaming nagkaroon ng duets together, nagkaroon ng production numbers together.

“I’m just really happy na na-acknowledge din po kami ni Ate Reg and inimbitahan po kami bilang part ng journey.”

Bukod kay Julie Anne, nakipag-duet din kay Regine sa unang gabi ng concert nito sina Angeline Quinto, Jona Viray, Aicelle Santos, at Morissette Amon.

Noong ikalawang gabi, si Sarah Geronimo naman ang naka-duet ng Asia's Songbird.

Ang R3.0 concert, na selebrasyon din ng 30th anniversary ni Regine sa music industry, ay ginanap sa MOA Arena noong October 21 at 22.

UNDER THE WEATHER. Ano ang pakiramdam na mapabilang si Julie Anne sa mga pinili ni Regine na sinasabing susunod sa kanyang yapak?

Tugon ng 23-year-old Kapuso star, “Sobrang nakakataba po talaga ng puso. Sobrang saya ng feeling na yun.

“Before ng performance po namin, I was there sa audience area. Nanonood po talaga ako.

“Sobrang faney lang talaga ang feeling.”

Inamin ni Julie Anne na kinabahan siya sa mismong araw ng concert dahil nagkasakit siya, gayundin ang iba pang singers.

“I was sick. Everyone was sick.

"Parang sabi nga daw po ni Morissette that time, may sakit nga daw po siya, inuubo siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nung rehearsals namin, nagkasakit siya.

“That time, yung rehearsals naman, parang medyo wala pa [akong nararamdaman].

"Tapos nung concert na ni Ate Reg, parang nung umaga, parang medyo may naramdaman na ako.

“Sabi ko, ‘Oh no! Parang hindi maganda ang feeling.’

"And then, luckily, wala naman. Naging flawless naman po yung flow ng performance namin."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julie Anne sa contract signing niya sa Universal Records nitong Biyernes, October 27.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN