Maine Mendoza achieves dream of being a published author

IMAGE Nerisa Almo

Here are some of the revelations of Maine Mendoza in the book she herself has written: She was a low achiever as a student and was always an introvert trying to overcome her shyness. But what's with her and Alden Richards? "Isinulat ko lang po ang feeling ko na dapat kong i-share sa kanila," she says.


Dream come true para kay Maine Mendoza ang pagkakaroon ng sariling libro—ang Yup, I Am That Girl, mula sa Summit Books.

Masayang saad ni Maine, “Hindi lang naman sa akin. 

“Feeling ko, kahit sinong nagsusulat, kahit sinong manunulat ay pangarap makapag-publish ng libro.

“It’s a dream come true po talaga.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maine bago magsimula ang matagumpay niyang book launching, nitong Huwebes, October 26, sa Trinoma Activity Center.

Sabi ng 22-year-old TV host-actress, kakayanin niyang pirmahan ang lahat ng mga biniling libro ng fans na pumunta sa kanyang book launch.
 
“Kakayanin ko po bilang kinaya rin po nilang magpunta rito, gabi pa lang. Ano ba naman yung pirma lang.”
 
Itinama pa ni Maine ang balitang madaling-araw pa lang ng October 26 ay may mga nakapila nang fans niya sa Trinoma. Karamihan sa kanila ay nakasuot ng dilaw na T-shirt.
 
Sabi ng Eat Bulaga! host, “Actually, 10 P.M. [October 25] po, nakita ko sa Twitter.

"Nakakaloka! Nakatulog ba sila? Sana nakatulog naman sila.

"Sobrang nakakatuwa po, sana nakapasok silang lahat."

It is a dream for someone who writes to have her own book. I have been writing since 2011, and while some of you may think that I am "just" a blogger, you must know that bloggers– writers in general– put so much of themselves into what they do. Writing is a passion. And I may not be a good writer but I enjoy and love expressing myself through the written word. I want to share my experiences and ideas with people; in the hope that I can make a difference in someone's life through my words. I want to inspire them the simplest way I could. And today might be just another day for some but not for me; today, another dream of mine will be fulfilled. I will be officially launching my book this afternoon and I couldn't be prouder of the fact that I wrote everything in it. You'll know some of my life's little adventures (and misadventures too!) #YupIAmThatGirl is an account of my life experiences and lessons, with pointers on the side, plus more info about me that you probably do not care about. Lol! I hope those who read my book will learn something from it, kung wala, ehhhhh.. sana meron! ???? Ngayon palang nagpapasalamat na ako sa lahat ng bibili at shempre sa mga bumili na. And to the people who never fail to support me in everything I do, maraming salamat po! And to the Big Guy up there, thank you God, for giving me this chance to be one step closer to who I want to be. ?

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm) on

A COPY FOR ALDEN. Siguradong ang isa sa hahanapin sa libro ni Maine ay pahina tungkol sa love team nila ni Alden Richards, ang AlDub.
 
Paniniguro naman ng bagong book author, “Yes po, meron po, yun din po ang nagpabago ng buhay ko. 

“So, yung Eat Bulaga! at AlDub phenomenon, naisulat ko naman yun.”
 
Dito ba sa libro malalaman ang totoong namamagitan sa kanilang dalawa ni Alden?
 
“Ay, nasa sa kanila na po yun!” natawang sabi ni Maine.
 
“Pero ako po, isinulat ko lang po ang feeling ko na dapat kong i-share sa kanila.”

Bibigyan pa lang daw niya ng kopya ng kanyang libro si Alden.
 
“Kasi gusto kong ipabalot siya, ayoko nang naka-open, siyempre may dedication. 

“Siyempre yung mga taong espesyal sa akin, nag-allot ako ng books for them.
 
“And binigyan ko ng dedication inside.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HANDS-ON. Limang buwan daw isinulat ni Maine ang buong libro.
 
Aniya, “Sobrang hands-on ako, kasi ako po talaga ang nagsulat. 

“Tinulungan lang nila ako sa proof-reading, pero all of the contents, ako po talaga.”
 
Hindi naman daw nahirapan si Maine na pag-isipan kung ano lang ang mga puwede niyang ibahagi sa kanyang buhay.
 
Sabi niya, “Binigyan naman po nila 'ko ng list, topics na pagpipilian ng puwede kong isulat.

“And dun po ako namili kung saan po ako pinaka-comfortable na i-share.

“And kung ano ang feeling ko na marami akong maisi-share.”
 
Marami raw makaka-relate sa isinulat niya, “Lalo na po sa mga bata at kababaihan na tulad ko.

“Na nag-i-struggle rin sa pagka-introvert, sa pagiging mahiyain.

“Maraming part sa book na tinackle ko yun, pagiging introvert ko.

“Yung pagiging mahiyain ko sa tao kahit hindi lang halata.
 
“Mas makikilala po nila ako rito dahil marami po akong details na inilagay.

“Naglagay na rin po ako ng mga trivias na hindi po nila alam about me.”
 
Kuwento talaga ng totoong buhay niya?
 
“Yes, po, kuwento po talaga ng buhay ko from childhood, high school, and college. 

“Hanggang sa pumasok po ako ng show business.”

BIG DREAMS. Pangarap lang daw noon ni Maine na lumabas sa TV commercial at maging artista.

Kaya itinuturing niyang “bonus” sa kanyang mga pangarap na nagkaroon ng katuparan ang pagiging manunulat.

Ang mga tao raw na sumusuporta sa kanya ang naging inspirasyon ni Maine sa pagsusulat ng Yup, I Am That Girl.
 
Naniniwala siyang bukod sa kanyang blog, epektibo ring medium ang libro upang ibahagi ang mga natutunan niya sa buhay.
 
Saad ni Maine, “Feeling ko lang, bukod sa online, bukod sa blog, makagawa po ako ng published work talaga.

“Hindi naman po lahat updated, hindi lahat may access online—at least eto, mabibili nila sa bookstore, madadala nila anywhere.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami nang na-achieve si Maine sa loob pa lang ng tatlong taon niya sa showbiz.
 
Pero natatawa niyang sabi, “Wala nga akong achievements!
 
“Parang ang pinaka-achievement ko lang, finishing college.

"Hindi naman po ako ganun nag-excel sa school.

“Naisulat ko po yun sa book, so mas malalaman ng mga tao.

“Most of my achievements, nangyari nang pumasok ako sa show business.”

Ano ang susunod na aabangan sa kanya ngayong nailunsad na niya ang Yup, I Am That Girl?
 
“Book 2! Charot!” bulalas ni Maine.
 
Posibleng magkaroon ng Book 2?
 
“Yes po, Team Book 2,” sabi pa niya.
 
Posibleng tungkol naman sa love life ang Book 2?
 
“Maaari, abangan po natin ‘yan, pero siyempre matatagalan pa. 

“Another five months!” natawang sabi ni Maine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN