Sharon Cuneta touched by Sancho delas Alas's generosity towards mom Ai-Ai

IMAGE Noel Orsal / Allan Sancon

Sharon Cuneta (left) reacted to Ai-Ai delas Alas's (right) Instagram post where the comedienne shared how her son Sancho shared to her part of his earnings from his acting fees. To this heartwarming gesture of generosity, Sharon posted, with a tinge of envy, "Nakakatouch naman BFF… Wala pa akong anak na gumawa niyan!"

 

 


May tonong pagkainggit ang Megastar na si Sharon Cuneta sa touching gesture na ginawa ng anak ni Ai-Ai delas Alas na si Sancho Vito.

Nagbahagi kasi si Ai-Ai ng isang post sa Instagram kunsaan pinasalamatan nito ang kanyang anak sa pag-share nito ng kanyang kinita sa kinabibilangang teleserye sa ABS-CN na FPJ’s Ang Probinsyano.

Saad ni Ai-Ai sa kanyang post kagabi, October 27, “Thank you very much mabait kong baby boy .. sumweldo na kasi sya sa FPJ’S ANG PROBINSYANO .. naiyak ako grabe BINIGYAN nya ko ng sweldo nya ( pati charity na binibigyan ko nag bigay din sya)...

“I love you anak so much !!! napa swerte ko sa buhay mabait ang mga anak ko at wala kayong sakit .. SALAMAT PANGINOON SA BLESSINGS NA ITO ..

“Gabayan nyo po at parateng bigyan ng super work ang mabait kong anak na si sancho vito AMEN... mahal na mahal kita anak maraming salamat .”

Kalakip ng post na ito ng Sunday Pinasaya star ang larawan nilang mag-ina at ang sulat ng anak.

Nakasaad sa sulat ni Sancho, “Dear Mama,

“Ma! Pang shopping mo hehe. Wala pa toh sa kalahati sa binibigay mo po sa akin, gusto ko lang po i-share sa’yo ma yung perang pinagpaguran ko.

“I LOVE YOU SO MUCH!

“Sancho Vito.”


SHARON CUNETA REACTS. Tila naiingit naman si Sharon sa ginawa ni Sancho para sa kanyang ina.

Sabi ng Megastar sa comments section, “Nakakatouch naman BFF… Wala pa akong anak na gumawa niyan!”


Sagot naman ni Ai-Ai kay Sharon, "BFF binilhan ka naman ni KC [Concepcion] ng lalagyan ng bag mahal din yun bff hehehe yung parang ref.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN