Isabel Granada's ex-husband Jericho Aguas shares latest update: "Malapit na hong magkamalay si Isabel."

IMAGE Courtesy: Jericho Genasky Aguas on Facebook

Jericho Aguas, Isabel Granada's ex-husband, (right) took to Facebook this Saturday afternoon, October 28, to report that Isabel's health condition has improved, and is optimistic that she will regain consciousness soon. He also appealed for continuous prayers from fans and concerned netizens.

 


Todo-suporta si Jericho Aguas sa ex-wife niyang si Isabel Granada na kasalukuyang nakaratay at unconscious ngayon sa Hamada General Hospital sa Doha, Qatar.

Siya ang nagbibigay ng latest updates ngayon sa kalagayan ni Isabel dahil direkta na ang impormasyong nakukuha niya mula sa anak nilang si Hubert Aguas at sa dating mother-in-law na si Mommy Guapa na nasa Qatar na ngayon at kapiling si Isabel.

Sa Facebook post niya ngayong Sabado ng hapon, October 28, sinabi ni Jericho na bumuti pa raw ang kalagayan ni Isabel dahil normal na ang heartbeat nito.

Sabi niya, “Isabels heart beat went down from 156 to 98, when mama and hubert arrived and spent time in her room. Thats agood sign. The normal heart beat daw is 60 to 100.

"God performs Miracles. Continue praying… Malapit na hong magkamalay si isabel .. 
"Gigising ang anak ko" alam ko yan, Nanay ako… sabi ni mama gwapa paglabas ng room…”

Samantala, sinabi naman ng pinsan ni Isabel na si Joseph Rivera na nagkaroon nang healing mass para sa agarang paggaling ni Isabel kagabi, October 28, sa Holy Rosary Parish church sa Doha.

Pinamunuan daw ito ng isang paring Pinoy.

Dagsa raw sa simbahan ang mga fans at supporters ni Isabel pati na ang kasalukuyang partner nitong si Arnel Cowley.


(Photo courtesy: Joseph Rivera)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN