Juan Sarte refutes airport line-cutting accusation against Angelica Panganiban; netizen stands ground

IMAGE Courtesy: JC valenzuela on Facebook

Renowned celebrity make-up artist Juan Sarte aired his side concerning the airport immigration line-cutting issue being hurled against Angelica Panganiban and her group, which included Sarte and hairstylist Jing Monis, yesterday, October 27. The accusation stemmed from a Facebook post of a certain JC Valenzuela, who claimed that Angelica's group arrived late and cut their way through the line.


Sinagot ng kilalang make-up artist na si Juan Sarte ang akusasyon ng isang netizen na sumingit daw ang grupo nila sa pila sa immigration sa airport kahapon, Biyernes, October 27.

Kasama sa grupo ni Sarte ang aktres na si Angelica Panganiban at ang celebrity hairstylist na si Jing Monis.

Ayon sa Facebook post ng netizen na si JC Valenzuela, sinita niya ang tatlo dahil sa pag-cut nila sa immigration line ngunit hindi raw siya pinansin.

Kinunan din niya ng litrato ang mga ito at ipinost sa Facebook.

Sabi pa ni Valenzuela tungkol sa insidente: "Super entitlement issues. I respect every profession so i wont even go there, but the fu*king nerve to think theyre bigger."


Stories We Are Tracking

Angelica accused by netizen of cutting the line in immigration
Angelica accused by netizen of cutting the line in immigration

JUAN SARTE REACTS. Sa pamamagitan ng isang gossip blogsite, sinagot ni Sarte ang mga akusasyon ng netizen laban sa kanila.

Ayon sa kanya, magkasabay na dumating sa airport ang grupo nila, pero pumila sila sa magkaibang immigration lines na magkalayo.

Mabilis daw ang pag-usad ng pilang kinabibilangan ng make-up artist, ngunit mabagal naman daw ang pinipilahan nina Angelica at Jing.

Noong maganap ang insidente, si Valenzuela ay nasa bandang likuran daw ng pila ni Sarte.

Noong malapit na raw si Sarte sa immigration officer, may anim na nakapila sa katabi nilang linya na umalis dahil wala raw itong departure cards.

Dahil daw dito, may mga taong galing sa ibang pila na nag-unahan para pumunta sa nabakanteng mga puwesto sa pilang katabi nila.

Kabilang sina Angelica at Jing sa mga lilipat sana sa nabakanteng puwesto, pero naunahan daw sila.

Ayon kay Sarte, pinalipat niya sina Angelica at si Jing sa kanyang pila at hinayaang mauna ang mga ito sa kanya. Ito ay pagbibigay-respeto raw sa aktres bilang babae at kaibigan.

Ang nasa isip daw niya ay normal itong kalakaran sa mga grupong nagbibiyahe dahil nakikita niya itong ginagawa ng iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinagpaalam pa nga raw ito ni Sarte sa mga nasa likod ng pila nila, at pumayag naman daw ang mga ito.

Pagkatapos nito, nagsimula na raw maging “bitch” si Valenzuela sa kanila at lumapit pa upang kunan ng larawan si Angelica.

Ipinost ito ni Valenzuela sa kanyang Facebook account at pinalabas na late dumating ang grupo ni Angelica sa airport at sumingit lang sa pila.

Idiniin ni Sarte na nauna siya sa pila sa airport, kahit pa raw ipa-verify ito sa CCTV footage ng airport.

Dagdag pa ng celebrity make-up artist, “I would have given the same courtesy to my mom, sister, or any friend travelling with me, celebrity or not.”

NETIZEN ANSWERS JUAN SARTE. Kaagad namang sumagot si Valenzuela sa mga paliwanag ni Sarte.

Pinaninidigan ng netizen ang nauna niyang pahayag na sumingit sa pila ang grupo nila Sarte at late ang mga itong dumating.

Narito ang mahabang sagot ni JC na ipinadala sa manunulat na ito sa pamamagitan ng Facebook messaging:


 

 



Mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig nina Angelica Panganiban at Jing Monis tungkol sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN