Jasmine Curtis-Smith responds to netizen who called her "anorexic"

IMAGE Instagram account of Jasmine Curtis-Smith

Jasmine Curtis-Smith reacts to netizens who called her "anorexic" and "too skinny" in reaction to a throwback photo where she is seen wearing a two-piece bikini. She said, "this pic was shot months back and same time when i posted a pic w my pugs in this bikini (its still in my timeline) , and I never got any of such judgemental comments. dami talagang mema lang hahaha"


Hindi napigilang sumagot ng aktres na si Jasmine Curtis-Smith sa ilang comments ng netizens sa isa niyang Instagram post.

Sa litratong ito ay makikitang nakasuot ang 23-year-old actress ng two-piece bikini.

Napansin naman ng ilang netizens na pumayat si Jasmine.

Ilan sa mga naging komento ng netizens ay "you're so thin," "did you lose weight?," at "pataba ka konti."


Hindi ito pinansin ni Jasmine noong una, subalit kalaunan ay sinagot niya ang isang netizen na may handle na @babylove013, na tinawag siyang "anorexic."

Sagot niya sa comments section: "fyi sa lahat ng nagsasabi na mukha akong anorexic or "too skinny" or "mukha kang may sakit" or "magpacheck up ka na" dito: this pic was shot months back and same time when i posted a pic w my pugs in this bikini (its still in my timeline) , and I never got any of such judgemental comments. dami talagang mema lang hahaha"


Sumagot naman ang isa pang commenter na si @closetslove at sinabing concerned lamang sila sa look ni Jasmine ngayon.

Saad ng netizen, "This comment is not bashing or hating you! We ppl are just concern to you. You are getting skinny you look gorgeous before dont get so conscious about your body stay healthy and beautiful just like before."

Sumagot namang muli si @babylove013 at sinabing, "I didnt mean anything, just worried about your skinny look, sweetheart.."


Muli namang sumagot si Jasmine kay @closetslove.

Sagot niya, "i never used the term bash or hate. I used "judgemental".

"By you saying 'stay healthy and beautiful just like before' means you have assumed I am currently unhealthy.

"Judged about my health already because I look slimmer than 'before'? You see the logic? Thanks for the concern though. I already addressed that unnecessary concern in a pic a few weeks ago."


Isa namang netizen na nagngangalang @einalouise ang nagsabing, "Pag payat ka anorexic ka na, pag naman mataba ka buntis ka na. Ano ba naman tan! HAHAHA!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinangayunan naman ito ni Jasmine at sinabing, "u can never win!"



Hindi ito ang unang beses na sumagot si Jasmine sa netizens na nakapansin ng mga pagbabago sa kanyang katawan.

Minsan na rin niyang sinagot ang ilang netizens na inakusahan siyang sinadya niyang i-blur ang isa niyang picture para hindi makita ang kanyang "stretchmarks."


Stories We Are Tracking

Jasmine answers netizen asking about her
Jasmine answers netizen asking about her "stretchmarks"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN