Cogie Domingo allowed by PDEA to post bail after getting arrested in buy-bust operation

IMAGE Screengrab from 24 Oras

The Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) has allowed Cogie Domingo to post bail on Monday, October 30, after undergoing the agency's standard inquest proceedings. He was nabbed in a drug buy-bust operation last Friday, October 27, along with three companions.


Maaari nang makapagpiyansa ang aktor na si Cogie Domingo matapos mahuli sa isang drug buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 4-A noong Biyernes ng madaling araw, October 27.

Ayon sa report ng 24 Oras kagabi, October 28, sumailalim na raw si Cogie at ang mga kasama niya sa inquest proceedings matapos silang dalhin sa PDEA.

Inirekomenda rin na maaaring makapagpiyansa ng P200,000 si Cogie, habang P100,000 naman ang bail para sa dalawa pang lalaking kanyang kasama.

Samantala, hindi naman pinahintulutang makapagpiyansa ang kasama nilang babae, na siyang sinasabing nagtutulak ng droga.

Saad pa sa report, nalaman daw ng PDEA na madalas puntahan ni Cogie ang Parañaque City at Las Piñas City upang bumili ng droga.

Dinepensahan naman ni Cogie ang sarili at sinabing na-set up lang siya at hindi kanya ang mga nakumpiskang droga.

Sa isang press conference na ginanap noong Biyernes ng hapon, iginiit ni Cogie na hindi siya gumagamit ng ipinagbabawal na gamot.

Nahuli si Cogie at ang kanyang mga kasama noong October 27 ng madaling araw sa BF Homes, Parañaque City.


Stories We Are Tracking

Cogie Domingo strongly denies using, selling drugs
Cogie Domingo strongly denies using, selling drugs
Actor Cogie Domingo nabbed in buy-bust operation
Actor Cogie Domingo nabbed in buy-bust operation


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN