Nadine Lustre still grieving over brother's death; thanks James Reid for staying by her side

IMAGE Glenn Regondola

Nadine Lustre on boyfriend James Reid, who she says never left her side in times of grief: "Happy ako nandiyan siya at hindi rin napapagod na magsuporta sa akin."


Nasa Japan ngayon ang Viva star na si Nadine Lustre, kasama ang kanyang pamilya at boyfriend na si James Reid.

Isang paraan daw ito upang panandaliang maibsan ang kalungkutang nararamdaman ng kanilang pamilya dahil sa pagyao ng nakababatang kapatid ng aktres na si Isaiah Lustre.

Doon na rin magse-celebrate si Nadine ng kanyang 24th birthday bukas, October 31.

Bago lumipad patungong Japan, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nadine sa grand coronation ng Binibining Cebu 2017, na ginanap sa Waterfront Hotel & Casino, Lahug, Cebu City, noong Sabado, October 28.

Sinamahan ng aktres si James, na isa sa guest performers noong gabing iyon.

Marami ang gustong malaman kung kumusta na si Nadine ngayon pagkatapos ng nangyari sa kanyang kapatid. Okey na ba siya?

Tugon ng Kapamilya star, na halata pa rin ang lungkot sa kanyang mukha, “Medyo ano pa, nasa moving on, nasa healing stage.

“Siyempre, hindi naman ganun kadali ang mag-move on.”

Ayon pa kay Nadine, mas madalas silang magkita ngayon ng kanyang pamilya.

“Bonding, celebrate ng mga birthday… kasama rin nga namin sila sa Japan,” banggit niya.


Stories We Are Tracking

Nadine Lustre kin confirms death of star's brother; suicide?
Nadine Lustre kin confirms death of star's brother; suicide?
Nadine Lustre breaks silence on teenage brother's death
Nadine Lustre breaks silence on teenage brother's death
Nadine Lustre's dad breaks silence on son's death
Nadine Lustre's dad breaks silence on son's death

SUPPORTIVE BOYFRIEND. Nais namang pasalamatan ni Nadine si James sa suportang ibinigay nito sa kanya noong mga panahong nagdadalamhati siya.

Pahayag niya, “I’m so thankful for him na, kahit noong bago pa lang, na ang emosyon ko ay ang hirap…

“Yung emotions ko, hindi ko ma-control.

“Siyempre, kahit yung pag-iisip ko… sobrang stressful.

“So, happy ako nandiyan siya at hindi rin napapagod na magsuporta sa akin.”

Ano ang masasabi ni Nadine na hindi siya iniwan ni James sa panahong kailangan niya ng karamay?

“How would I explain that?” sabay tingin ng aktres sa kasintahan, na katabi lang niya habang kausap siya ng PEP.ph.

“Di siyempre ano naman po yun… given naman po yun.

“So, yun, ano ba?” parang nahihiyang sabi pa ni Nadina sa kasintahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gusto ring magpasalamat ni Nadine sa kanyang mga tagahanga, na katulad ni James ay todo-suporta rin sa kanya.

Aniya, “Gusto kong magpasalamat sa lahat ng suporta niyo.

“And then, yung nakiramay kayo sa akin. Yung mga nag-message sa akin.

“Sana maging happy team pa rin kami kahit hindi nila kami madalas makita [ngayon].”

BREAK FROM WORK. Inamin ni Nadine na dahil sa nangyari sa kanilang pamilya ay parang ayaw muna niyang sumabak sa trabaho.

“Parang, huwag muna.

"Pero very thankful po ako dahil pumayag naman ang It's Showtime after ng ‘Magpapasikat’ segment.

“Hindi na nila in-expect na 'Magpapasikat' pa ako.

“Pero siyempre, sabi ko, ‘The show must go on.’

“At saka, ayaw ko din namang iwan sina Ate Anne [Curtis]. Kumbaga, suporta talaga.”

Ang “Magpasikat” ay ang special segment ng It’s Showtime, kung saan naglaban-laban ang hosts ng noontime show ng ABS-CBN para sa kanilang 8th anniversary.

Pero malapit na rin daw mapanood ng JaDine fans si Nadine dahil kasama siya sa pelikulang Pedro Penduko, na pagbibidahan ni James.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN