Xander Ford claims some of his celebrity friends also had cosmetic surgery

IMAGE Instagram

Social media sensation Xander Ford reveals in a radio interview that he has celebrity friends who went under the knife and inspired him to do the same. 


Dahil sa mga kaibigan niyang celebrities kaya raw naengganyo si Xander Ford—dating Marlou Arizala—na magparetoke ng mukha.

Ito ang isiniwalat ng social media sensation sa panayam niya sa radio program na Tambalan nina Nicole Hyala at Chris Tsuper, sa 90.7 Love Radio FM Station, ngayong Lunes ng umaga, October 30.

Sa pakikipag-usap ng radio jocks kay Xander, natalakay ang proseso kung paano siya humantong sa pagsailalim sa cosmetic surgery.

Lahad niya, “May mga friend kasi ako, mga artists din, artists din sa TV,.

“May mga friend akong sikat sa Facebook, artist din sa TV [na nagparetoke].

“Hindi ko na ida-drop yung name nila, baka mapahamak na naman ako, e...

“May mga friend ako na nagpagawa na, nilait pa ako na ‘gawa’ daw ako.

“Di ba, ang sakit nun, di na nga ako nagsalita, e.”

Ang tinutukoy ni Xander ay ang paglait sa kanya ng ilang netizens dahil sa pagpaparetoke niya, subalit hindi nalait ang mga kaibigan niyang celebrities na nagparetoke rin.

Dahil daw sa mga kaibigang ito, naisip ng 19-anyos na binatang sumailalim sa cosmetic surgery.

“Parang siyempre, ako naman, naisip ko, ‘Oo nga, ‘no? Pwede. Try ko kayang mag-change din.’

"Tutal, sila ginamit din naman nila, nag-sponsor sila, meron silang followers."

Ito raw ang nag-udyok kay Xander upang makipag-ugnayan sa sponsors na pumayag na sumailalim siya sa operasyon nang walang bayad.

Ang sabi raw ng kanyang sponsors: “Kami na ang bahala sa lahat. Ang gagawin mo lang, ngingiti ka lang, mag-e-exposure lang. Face, nose, chin, kami na ang bahala sa ‘yo.’”

Ikinuwento rin ni Xander na may endorsement na siya, bukod sa possible movie and TV offers.

“Nagpa-photoshoot na po ako sa isa pang billboard,” sabi niya.

Iniiwasan na raw niyang magbasa ng comments mula sa bashers.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN