Xander Ford admits to depression over online bashing: "Ang hirap din palang maging sikat talaga."

IMAGE Photo grabbed from Rated K

Xander Ford on online bashing: "Parang inisip ko, gusto kong sumuko. Minsan nade-depress din ako, kung alam lang ng basher. One time, parang gusto kong sabihin, 'Ano kaya kung magpatiwakal na lang ako?'"


“Ang hirap din palang maging sikat talaga.”

Ito ang sabi ni Xander Ford kaugnay ng matinding pambabatikos na natatanggap niya ngayon mula sa netizens.

Ayon sa 19-year-old social media sensation, noong Marlou Arizala pa siya at hindi pa nagpaparetoke ng mukha, walang masyadong pakialam ang mga tao sa kanya.

Ngunit pagkatapos niyang magparetoke at magpalit ng pangalan, bawat kilos daw niya ay pinupuna, kaya kailangan niyang maging maingat.

Masaya ba siya sa kanyang kinalalagyan pagkatapos ng mga pinagdaanan niya?

“Masaya ako ngayon, nag-success yung pangarap ko. Ang layo ng narating ko,” sabi ni Xander nang makapanayam sa radio show na Tambalan nina Nicole Hyala at Chris Tsuper, sa 90.7 Love Radio FM Station, ngayong Lunes, October 30.  

DEPRESSION, SUICIDE. Pero inamin ni Xander na lubos siyang naaapektuhan sa pamba-bash sa kanya, lalo na nang kumalat ang kanyang lumang video kung saan tinawag niyang "sakang" si Kathryn Bernardo.


Stories We Are Tracking

Xander Ford apologizes for video mentioning Kathryn Bernardo
Xander Ford apologizes for video mentioning Kathryn Bernardo
Karla, Gretchen, celebs slam Xander for Kathryn putdown
Karla, Gretchen, celebs slam Xander for Kathryn putdown
Xander Ford finally owns up to viral videos where he dissed Kathryn Bernardo
Xander Ford finally owns up to viral videos where he dissed Kathryn Bernardo
Xander Ford apologizes for faults of Marlou Arizala
Xander Ford apologizes for faults of Marlou Arizala

Sabi ng dating Hasht5 member, “Parang inisip ko, gusto kong sumuko.

"Minsan nade-depress din ako, kung alam lang ng basher.

“One time, parang gusto kong sabihin, ‘Ano kaya kung magpatiwakal na lang ako?’”

Kuwento pa niya, “Nag-post ako sa social media after ng issue kay Ate Kat, ganun, parang gusto ko talagang ano...

“Kasi siyempre, parang yung mga batikan [na artista], sila na yung nang-judge.

"Pati yung mga friend ko, parang dyina-judge nila kung ano nakita nila, kung paano ako nakasama."

Ilang kasamahan ni Kathryn sa ABS-CBN ang nag-react nang lumabas ang video ni Marlou na nagsalita laban sa aktres.


Stories We Are Tracking

ABS-CBN talents slam Xander Ford for name-calling Kathryn
ABS-CBN talents slam Xander Ford for name-calling Kathryn
Karla, Gretchen, celebs slam Xander for Kathryn putdown
Karla, Gretchen, celebs slam Xander for Kathryn putdown

Ang mga kaibigan daw ni Xander ang naglabas ng naturang video para siraan siya.

“Nilabas nila yung ganun. Dapat noon pa,” sabi niya.

Nagbabala pa si Xander na posibleng may mga lumang video pa siyang lalabas.

“Parang naisip ko na yun, pa’no pag lumabas ang sarili ko, na lumabas ang isa kong video na kakaiba, yung daring, ganun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sasabihin ko nga, magso-sorry na ako ngayon pa lang. Siyempre lalabas na yun, e,” pagtukoy niya sa video.

“At least, pag lumabas yun, at least ngayon pa lang, nag-sorry na ako.

“Hindi lang yun ang issue. Mas marami pang issue.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN