Columnist wants to put closure on issue with Dingdong Dantes

IMAGE Noel Orsal

Gusto nang tuldukan ng entertainment columnist na si Ronnie Carrasco III ang isyu sa pagitan nila ni Dingdong Dantes. Nirerespeto raw niya ang ginawang pagtatanggol ni Dingdong sa misis nitong si  Marian Rivera kaugnay ng isinulat niya laban sa aktres. 


Nais nang tuldukan ng entertainment columnist na si Ronnie Carrasco III ang isyu sa pagitan nila ng aktor na si Dingdong Dantes.

Ito ay kaugnay ng open letter ng Kapuso actor noong October 27 upang depensahan ang asawang si Marian Rivera laban sa "malicious" writeup diumano ni Carrasco tungkol sa Super Ma’am actress.

Sa kolum ni Carrasco sa Bandera tabloid noong October 19, na may may headline na: “Misis ni Dingdong inireklamo ng ilang mga trabahador sa GMA 7,” inilahad niya ang diumano'y pagpapa-pack up ni Marian sa taping ng pinagbibidahang teleserye sa Kapuso network kapag wala ito sa mood.

Kinastigo ni Dingdong si Carrasco at sinabing: "Walang sinuman, lalo na sa isang katulad mong may ‘accountability’ sa publiko, ang pwedeng umabuso sa kahit kanino.

“Hinding-hindi ko papayagang may umabuso at bumastos sa pamilya ko—lalo na sa asawa't anak ko."


Stories We Are Tracking

Dingdong castigates columnist for
Dingdong castigates columnist for "malicious" writeup about Marian

Sa radio program na Cristy FerMinute sa Radyo Singko ngayong Martes ng hapon, October 31, sinabi ni Carrasco na nirerespeto niya ang opinyon ni Dingdong.

Sana rin daw ay magkaroon ng respetuhan ng opinyon ang bawat panig.

Mag-iiwan na lamang daw siya ng maikling mensahe para matapos na ang isyu.

Mas maganda rin daw na magkaroon ng closure ang naging patutsadahan nila.

Saad ni Carrasco, “Ang akin lang po, nung araw na lumabas yung kanyang open letter ni Ginoong Dingdong Dantes, meron pong nakikiusap po sa akin na kunin yung side ko.

“Magalang ko pong tinanggihan po yun at sabi ko, nirerespeto ko po ang karapatan ni Ginoong Dingdong Dantes sa kanyang ginawang reaksiyon sa Facebook tungkol po sa pagtatanggol niya sa kanyang misis.

“Hanggang doon na lang po at maraming salamat.”

Bago pa man ang open letter ni Dingdong, nauna nang ipinagtanggol si Marian ng mga kasamahan niya sa Super Ma'am. Kabilang dito sina Shyr Valdez, Matthias Rhoads, Andrew Gan, at Sheena Halili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Marian naman ay nananatiling tahimik tungkol sa alegasyon sa kanya ni Carrasco.


Stories We Are Tracking

Marian defended by co-stars, director over negative writeup
Marian defended by co-stars, director over negative writeup
Newcomer Andrew Gan defends <em>Super Ma'am</em> co-star Marian Rivera
Newcomer Andrew Gan defends Super Ma'am co-star Marian Rivera


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN