Xander Ford files cyberbullying complaint over viral video

IMAGE Photo from Twitter (Bianca Dava)

Internet sensation Xander Ford (in photo) files cyberbullying complaint against Dave Alvarez and Angelo Rozol, who allegedly uploaded his old video where he is seen body-shaming actress Kathryn Bernardo.


Naghain ng reklamong cyberbullying si Xander Ford laban sa dalawang indibidwal na diumano’y nagpakalat ng lumang video niya, kung saan mapapanood na kinukutya niya ang ABS-CBN actress na si Kathryn Bernardo.

Nagtungo sa Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group sa Camp Crame ang internet sensation ngayong Lunes, October 30.

Ang cyberbullying complaint ng 19-anyos na binata ay laban kina Dave Alvarez at Angelo Rozol, na diumano’y nagpakalat ng kontrobersiyal na viral video niya.

Saad ni Xander sa panayam ng media, “Na-depress po ako dahil sa mga isyu or sa video na in-upload po nila.

"Mahirap. Nawalan po ako ng trabaho, nawalan po ako ng career dahil po sa maling paratang po nila sa ‘kin.

“Gusto ko lang pong matapos na po ito.”

Dagdag pa ni Xander, “Yung Dave Alvarez, hindi ko po siya friend, parang nagbi-video lang po siya sa may gilid.

“Yun nga yung video na unang kumalat, pinagmulan ng lahat.

“Pinost niya hanggang sa nag-trending, nalaman ng KathNiel fans.”

October 13 nang unang kumalat ang video ni Xander Ford—na noon ay kilala pa sa pangalang Marlou Arizala at hindi pa sumasailalim sa cosmetic surgery—kung saan tinawag niyang "sakang" si Kathryn.

Kumalat ang video at nakarating sa mga tagasuporta nina Kathryn at Daniel Padilla, o KathNiel, dahilan upang kuyugin sa social media si Xander.

Noong una ay itinanggi pa ni Xander na siya ang nasa video dahil ang unang bersiyon nito ay hindi kita ang mukha ng nagsasalita.

Subalit may lumabas na pangalawang bersiyon ng video, at dito ay kitang-kita ang mukha ni Marlou habang nagsasalita laban kay Kathryn.

Makalipas ang ilang araw ay umamin si Xander na siya nga ang nasa video.


Stories We Are Tracking

Xander Ford apologizes for faults of Marlou Arizala
Xander Ford apologizes for faults of Marlou Arizala
Xander Ford finally owns up to viral videos where he dissed Kathryn Bernardo
Xander Ford finally owns up to viral videos where he dissed Kathryn Bernardo
Karla, Gretchen, celebs slam Xander for Kathryn putdown
Karla, Gretchen, celebs slam Xander for Kathryn putdown
Kathryn Bernardo goes up against cyberbullying
Kathryn Bernardo goes up against cyberbullying

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN