Angelica Panganiban on getting over an ex-boyfriend: "Nag-start ako dun sa acceptance na wala na."

IMAGE Instagram @iamangelicap

Angelica Panganiban recalls her fears after a painful breakup with an unnamed ex-boyfriend: "Iniisip ko nun, 'Hindi na talaga ako magpapakasal. Hindi na ako kikiligin ulit.' Wala na. Wala nang hope. Feeling ko noon, siya na lang mamahalin ko, kahit hindi niya ako mahalin pabalik."


Inamin ni Angelica Panganiban na hindi madali ang prosesong pinagdaanan niya upang tuluyang makapag-move on mula sa hiwalayan nila ng dating karelasyon.

Kaugnay ito ng payo ni Angelica sa isang letter sender sa Paano Ba 'To?! webisode ng TV host na si Bianca Gonzalez.

Ayon kay Angelica, "matigas ang ulo" niya noong panahong nagbakasakali siyang maaari pang isalba ang isang nasirang relasyon.  

“Laging maglalaro yung isip mo, e—na parang, ‘Okey pa kami nun, tapos biglang ganito na lang. Hindi ko dapat siya tinext. Baka nakulitan siya sa akin.’

“Madami tayong iisipin para mabaliw tayo.”

FEARS AND INSECURITIES. Normal din daw na makaramdam ng insecurities at "magmukhang tanga."

Patuloy ni Angelica, “Iniisip ko nun, ‘Hindi na talaga ako magpapakasal. Hindi na ako kikiligin ulit.’

“Wala na. Wala nang hope.

“Feeling ko noon, siya na lang mamahalin ko, kahit hindi niya ako mahalin pabalik.”

Pero kinailangan daw niyang harapin ang masakit na katotohanang hindi talaga sila para sa isa't isa.

“Huwag mo ipilit sa sarili mo na baka may hope.

“Nag-start ako dun sa acceptance na, wala na. Wala na talaga ‘to.”

Ito raw ang naging daan patungo sa pagpapatawad, pagtigil sa pagsisi sa sarili, at pagkawala ng anumang galit na naramdaman niya noon sa dating karelasyon.

Hindi binanggit ng aktres kung sino ang tinutukoy niyang ex-boyfriend, ngunit hindi kaila na ang huling nakarelasyon niya ay si John Lloyd Cruz.

January 2015 nang maghiwalay sila pagkatapos ng apat na taon nila bilang magkasintahan.

SINGLE BUT HAPPY. Sa ngayon, nasa “stage” na raw si Angelica na kaya na niyang tawanan ang masakit na karanasan.

Natutunan daw niyang mag-enjoy sa mga kaya niyang gawin, mag-isa man o kasama ang mga malalapit na kaibigan.

Aniya, “Alam mo, ang sarap pala maging single. Hindi lahat ng single, malungkot.”

Narito ang video na lumabas sa YouTube Channel ni Bianca kahapon, October 30:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN