Toni Gonzaga supports John Lloyd Cruz's decision to take a break from showbiz

IMAGE Mark Atienza

Toni Gonzaga says she supports Home Sweetie Home co-star John Lloyd Cruz's decision to take a break from showbiz. Saad niya, "We're all for everybody's happiness. Kung saan sila masaya, kung ano ang makakapagpaligaya sa puso nila, sinusuportahan naman natin yun."


Tuluy-tuloy pa rin ang taping ng ABS-CBN weekly sitcom na Home Sweetie Home, kahit nakabakasyon ngayon ang lead actor ng programa na si John Lloyd Cruz.

Kasalukuyang nasa Europe ang Kapamilya actor kasama ang rumored girlfriend niyang si Ellen Adarna.

Si Toni Gonzaga ang gumaganap na asawa ni John Lloyd sa Home Sweetie Home.

Ayon sa lead actress ng show, "Okay naman, so far.

"Hangga’t walang sinasabi ang management, tuluy-tuloy naman ang taping namin.

"Wala din kaming balita kay Romeo [John Lloyd]. Wala ding sinasabi sila about the latest happenings with him and what’s gonna happen with the show.

"So far, we’re just taking it one day at a time. Pag may script, may call time, go pa rin kami."

Ayon pa kay Toni, naghihintay lang sila sa pagbabalik ni John Lloyd sa show.

"Oo, show naman niya talaga ito.

"At kung ready na siya, pag na-settle na niya ang personal matters na [kailangan] asikasuhin o gustong gawin, eventually siguro."

Hiling din ni Toni na maging masaya si John Lloyd sa naging desisyong pansamantala munang iwan ang show business at hanapin ang sarili.

Sambit ng 34-year-old actress-TV host, "Oo, ano naman tayo, we’re all for everybody’s happiness.

"Kung saan sila masaya, kung ano ang makakapagpaligaya sa puso nila, sinusuportahan naman natin yun.

"Wala namang haharang dun.

"Basta kami, so far, nagte-taping pa rin kami, nagtatrabaho pa rin kami.

"Kung anuman ang maging desisyon ng management, everything works for good, everything happens for a reason."

Nagpapasalamat din si Toni na hindi pa rin bumibitaw ang mga manonood ng Home Sweetie Home kahit hindi muna napapanood dito si John Lloyd.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Toni sa set ng Home Sweetie Home noong nakaraang linggo.

EUROTRIP. Samantala, kagagaling lang din ni Toni sa Europe vacation; kasama ang mister na si Paul Soriano, ang kanilang anak si Seve, at ang kapatid niyang si Alex Gonzaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

New “us”....????

A post shared by Celestine Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga) on

Ayon kay Toni, "Parang ano yun, matagal na naming plinano na bakasyon para sa taong ito kasama si Seve.

"Dream talaga namin yun after mag-one year [old si Seve], sa birthday ni Paul makaalis kami."

Ibinahagi ni Toni kung bakit kasama si Alex sa kanilang trip.

"Yes, kasama namin si Alex.

"It’s actually Paul's idea na isama si Alex, kaya masaya, kasi may katulong kami sa pag-aalaga kay Seve."

Nap time of Chumby means more time for pictures with @cathygonzaga.????

A post shared by Celestine Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga) on

Patuloy niya, "Also, kasama din namin yung brother [ni Paul] and yung mom niya.

"Walang yaya, walang PA, kami lang lahat.

"Normal naman yun sa buhay ng tao, kaya sabi namin, 'Ayan, ma-experience natin kung paano talaga yung nagta-travel na kami lang talaga with the baby.'

"Ang bag ko diyan, backpack, nandiyan lahat ng survival kit para kay Seve."

??

A post shared by Celestine Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga) on

Sulit naman daw ang halos dalawang linggong bakasyon nilang pamilya. 

Saad ni Toni, "Nagpunta kami sa Rome, sa Florence, sa Paris...

"Masaya ako dahil naka-spend ako ng quality time sa family ko.

"Isang buong taon [akong nag-work], bumalik ako sa trabaho nung January.

"Halos twelve days kami dun. Matagal din, sinulit.

"Nakapag-recharge, nakapag-spend ng quality time kay Seve.

"Kasi tinapos ko yung pelikula, yung ibang mga commitments, sabi ko, kailangan bumawi kay Seve. So, inalagaan ko [siya].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN