Luis Manzano dismisses secret wedding with Jessy Mendiola in Japan: "Kahit nga engagement, wala pa, e."

IMAGE Noel Orsal

Luis Manzano reveals he and girlfriend Jessy Mendiola have been talking about getting married. He says, "Gusto namin dito sa Pilipinas, may mga naiisip na nga kami kung saan kung saka-sakali."


Kagagaling lang ng magkasintahang Luis Manzano at Jessy Mendiola mula sa Japan para sa ilang araw na bakasyon.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Luis kung ito ba ang kanilang post-first anniversary celebration.

Naaksidente kasi siya noong Mayo at na-fracture ang kanyang kanang paa.

Kaya noong sumapit ang anniversary nila ni Jessy bilang magkasintahan noong June ay sa Solaire Resort and Casino na lang sila nag-celebrate. 

Saad ni Luis, "Actually, looking back, hindi naman... actually, nakapag-celebrate naman kami.

"Nag-staycation kami, pero mas hirap nga lang ng kaunti.

"Baka nga baka post-anniversary celebration [itong Japan trip]. Baka, ngayon ko lang naisip."

Kuwento pa ni Luis, nag-enjoy sila ni Jessy sa kanilang bakasyon sa Land of the Rising Sun.

"Nag-Tokyo kami, nag-Osaka kami, tapos nag-one day kami sa Kyoto.

"Kumbaga, we got to take a good break, a well-deserved break.

"Na-enjoy namin yung weather, yung pagkain, kaya nga lumusog ako.

"Yung buhok ko ngayon, parang Keempee [de Leon], parang Onemig Bondoc na Keempee... Red Sternberg," pagtukoy ni Luis sa '90s style ng kanyang buhok.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Luis sa taping ng I Can See Your Voice noong nakaraang linggo.

SECRET WEDDING? Marami rin ang nag-isip na baka nagpakasal na nang lihim ang dalawa sa Japan trip nilang ito. Bagay na pinabulaanan agad ni Luis.

Sabi niya, "Hindi naman, kung ikakasal man kami, alam namin kung saan namin gusto—definitely hindi sa Japan.

"Gusto namin dito sa Pilipinas, may mga naiisip na nga kami kung saan kung saka-sakali.

"It’s easier for the people around us.

"Secondly, naiisip namin na may mga magagandang places din naman sa bansa natin kung saan puwede naming gawin."

Pero paalala ni Luis, "Engagement muna. Kahit nga engagement, wala pa, e."

Habang tumatagal ang relasyon nila, mas napapamahal at mas nakikilala nina Luis Manzano at Jessy Mendiola ang isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ano ang mga katangian ni Jessy na nagustuhan ni Luis?

Tugon ng 36-year-old TV host-actor, "Everything, there’s no certain characteristics that I can pinpoint.

"Siguro everything about her makes me feel special, makes me want to treat her more even special.

"Pag nakilala mo lalo, especially di ba ang daming sinasabi ng mga tao, but there’s a completely different Jessy sa likod ng mga bashers—a very special gem."

OUT OF PILIPINAS GOT TALENT. Samantala, kinumpirma ni Luis na hindi na siya mapapanood bilang co-host sa Season 7 ng ABS-CBN reality show na Pilipinas Got Talent (PGT).

Ito ay para maiwasan na rin ang isyu sa kanila ng ex-girlfriend na si Angel Locsin, na isa sa mga judge ng programa.

Sabi ni Luis, "Sa akin, wala na ako sa PGT.

"Yes, yun pa rin yun, sabi ko naman sa last interview natin, I laid my card sa management.

"Tuloy ang PGT, ako ang wala sa PGT."

Ang ibig bang sabihin nito ay si Billy Crawford na lamang ang maghu-host ng Kapamilya reality talent search?

Ayon sa Kapamilya TV host-actor, "Si Billy? I think, I can’t speak on behalf of the production, pero so far, si Billy pa lang ang host ng PGT.

"Naka-five or six seasons yata ako sa [show], okay na yun.

"Kumbaga sa ano, na-milk ko na ang PGT."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN