Alice Dixson admits to paranormal experiences: "Hindi ako nakakakita, pero nakakaramdam ako."

IMAGE Rey Pumaloy

Alice Dixson says she'd rather not open her third eye. "Actually, all of us have a third eye. Nasa sa inyo na yun kung gusto niyo i-open or keep it closed. I'm afraid to open it kasi marami tayong makikita na hindi natin maiintindihan."


Aminado si Alice Dixson na nakakaramdam siya ng paranormal activity o multo sa ilang mga lugar at pagkakataon.

Kuwento ng aktres, "When we were shooting Babaeng Hampaslupa, meron kaming eksena sa Chinese mausoleum na may area talaga na meron.

"May mararamdaman ka, if you're sensitive enough.

"Especially there’s this area, na if you have to go to the bathroom, dadaanan mo yun.

"Siyempre, yung iba, ayaw nang magbanyo kasi takot.

"But you really have to pass through to go.

"Hindi naman sila nanakit or what, nagpaparamdam."

Ang Babaeng Hampaslupa ay ang teleserye ng TV5 na pinagbidahan nina Alice, Alex Gonzaga, at Susan Roces noong 2011.

Patuloy na lahad ng 48-year-old actress, "Hindi ako nakakakita, pero nakakaramdam ako. 

"Like, in our old house, ang sabi sa akin... I don’t know if it’s manghuhula or somebody who comes to the house who blessed it.

"Hindi naman daw bad spirit yun, parang bantay lang siya.

"But I questioned, bakit matagal siyang nandun, di ba?"

Ayon pa kay Alice, "Dapat ipinagdadasal mo ang mga spirits para they can move on to the next level where they need to go.

"Naniniwala kasi ako doon na a lot of spirits are around because you... parang they’re lost.

"You need to pray para they can go to the next level."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alice sa blogcon para sa pelikulang Ghost Bride, na ginanap sa Wangfu restaurant, sa Ayala Malls Vertis North, Quezon City, noong October 29.

EERIE EXPERIENCE. Ibinahagi rin ni Alice ang kanyang karanasan noong namayapa ang kanyang ama.

"Kahit nung namatay ang dad ko, may paramdam.

"The first night after the wake, I was at home with my ex-husband in Vancouver.

"And nasa bahay lang ako by myself, because ako yung sumama sa cemetery para magbantay ng... what do they call it, na inaayusan siya sa morgue?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I stayed overnight in the cemetery, kasi takot yung mga kapatid ko, yung ibang family ko.

"So, I was the only one going home that night, kasi everybody else would stay, and it’s my turn to rest.

"Tapos, talagang when I was on the phone, tumatayo na yung balahibo ko, and then I started to feel fear.

"And then, automatically, sabi ko sa ex-husband ko, 'May nararamdaman ako, my hair is standing up and I’m feeling scared.'

"So, I said, this must be my father.

"Sabi ko na lang that, 'Dad, kung ikaw 'yan, don’t come so near kasi natatakot ako. And you’re scaring me.'

"And then, immediately, it left. And then, nawala na."

Hindi ba niya inisip na buksan ang kanyang third eye?

Ayon kay Alice, "Actually, all of us have a third eye.

"Nasa sa inyo na yun kung gusto niyo i-open or keep it closed.

"I’m afraid to open it kasi marami tayong makikita na hindi natin maiintindihan."

Ngayong undas o All Souls' Day, pinili ni Alice na huwag nang dumalaw sa kanyang yumaong ina na si Socorro Celones-Dixson at sa American father niyang si James Dixson sa sementeryo. 

Taong 2015 nang binawian ng buhay ang ina ng aktres.

Paliwanag niya, "I always visit my loved ones even if hindi siya Undas.

"They’re close to my heart and I always visit them.

"This day is not really important to be there dahil lagi ko naman silang nadadalaw.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN