Jericho Aguas flies to Qatar to visit ex-wife Isabel Granada; thanks partner Jaycee Parker for support

IMAGE Jericho Aguas Instagram

Nakalipad na patungong Doha, Qatar si Jericho Aguas upang dalawin ang kanyang dating asawa na si Isabel Granada, na isang linggo nang nakaratay sa isang ospital doon matapos mag-collapse.


Natuloy ang pag-alis ni Angeles City Councilor Jericho Aguas patungong Doha, Qatar, upang dalawin ang dating asawang si Isabel Granada.

Isang linggo nang nakaratay at nananatiling unconscious si Isabel sa Hamad General Hospital pagkatapos nitong mag-collapse dahil sa brain aneurysm.

Noong Linggo ng gabi, October 29, ay nag-post ng mensahe si Jericho sa kanyang Facebook account: “Miracles do come true. Ituloy ho natin ang prayers para sa paggising ni Isabel.

“Lumabas na ho ang aking Qatar visa at lilipad na mamayang 12am. Ako po ay tutungong Qatar para suportahan at alalayan ang aming anak at si Mama Gwapa."

Nauna nang nagpunta sa Doha ang 14-year-old son nina Jericho at Isabel na si Hubert at ang ina ng aktres na si Isabel Villarama o Mommy Guapa.

Sabi pa ni Jericho, “I am in constant communication with Isabel current partner Arnel, and told him for the record that I have no intention on stepping on his shoes (if ever he feels uncomfortable with me being there).

“I am there for my mag-lola (Hubert is only 14)… and of course to contribute whatever I can for the revival and recovery of Isabel.

“At the same time, I thank the understanding of my current partner as well, Jaycee Parker, I love you so much…”

JERICHO'S PARTNER. Ilang beses na ring sinabi ni Jericho sa kanyang Facebook posts na buo ang suporta ni Jaycee sa pinagdadaanan ngayon ng pamilya dahil sa kalagayan ni Isabel.

Ni-repost pa nga ni Jaycee ang isang mensahe ni Jericho ay sinabihan ang huli na kailangan nitong pumunta ng Qatar. 

Binanggit din ni Jericho na tumulong pa raw si Jaycee sa booking ng tickets nina Mommy Guapa at Hubert patungong Qatar.

Isa rin si Jaycee sa patuloy na nagdarasal at humingi pa ng dasal na malagpasan ito ni Isabel.

Sabi ng dating Viva Hot Babes member sa isang post niya sa Facebook: “I love you and Hubert… I’m praying that Isa will survive this… she’s a fighter!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

#kayangan lake, coron Palawan

A post shared by Jericho Genaskey Aguas (@soulofjerichoaguas) on

Ngayong hapon, October 31, ay nag-post si Jericho na nasa Hamad International Airport na siya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN