Kaye Abad on being a trusting wife: "Maging open ka na lang. Kung ipagpalit ka, ganun talaga."

IMAGE Instagram @kaye_abad

Kaye Abad on being a trusting wife to Paul Jake Castillo: "Ever since, hindi ako selosa. Kung ayaw niya sa akin, e, di palitan niya ako, not my loss.


Hindi naranasan ni Kaye Abad, 35, ang maging selosang misis sa mister niyang si Paul Jake Castillo, 32. 

Ito ay sa kadahilanang wala raw sa personalidad niya ang makaramdam ng insecurity kahit ngayong nagdadalantao siya. 

Sabi ng Kapamilya actress, "Ever since, hindi ako selosa.

"Kung ayaw niya sa akin, e, di palitan niya ako, not my loss."

Naging magkasintahan sina Kaye at Paul Jake sa loob ng dalawang taon at walong buwan. 

Pagkatapos ay ikinasal sila sa San Pedro Calungsod Chapel, sa Cebu City, noong December 9, 2016. 

Ayon kay Kaye, sa simula't sapul ay hinahayaan niyang lumabas si Paul Jake kasama ng mga kaibigan nito. 

Naiintindihan din daw ng dating Two Wives actress na kailangan ng mister niyang mag-unwind dahil madalas ay abala ito sa pag-aasikaso ng negosyo. 

Patuloy niya, "Kumbaga, sabi nila, 'Mas higpitan mo, kung mambababae 'yan, marami namang paraan.'

"Maging open ka na lang. Kung ipagpalit ka, ganun talaga." 

Nakapanayam si Kaye ng piling entertainment reporters, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa baby shower para sa aktres na inorganisa ng Aprica. 

Ginanap ito sa Marco Polo Plaza, sa Cebu City, noong Linggo, Oktubre 29.  

Naniniwala ba si Kaye na mas nakasalalay sa babae ang relasyon ng mag-asawa? 

Sagot niya, "Yung success? I guess, yeah, babae. Kasi ang babae, mas patient than sa lalaki.

"Babae yung mas vocal na magsabi kung ano yung mali, or mas mag-initiate na, 'Let's talk about it.' 

"But not lahat, ha? Kasi may iba na mas patient ang lalaki. But mostly, yes, babae." 

Sa kaso nila ni Paul Jake, si Kaye raw ang mas pasensiyosa. 

"Oo, definitely. Malaking-malaking yes!" natatawang sambit ng aktres.  

Nang mapunta ang usapan sa compatibility nilang mag-asawa, nabanggit ni Kaye na ang star sign niya ay Taurus habang si Paul Jake ay Capricorn.

Nakangiting dagdag ng aktres, "Ang Taurus, matigas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako lang yata yung Taurus na—or I guess sa kanya lang—wala talaga, walang pride.

"Sabi ko, nakahanap ako ng katapat."


Stories We Are Tracking

Kaye Abad recalls pre-couple days with Paul Jake Castillo
Kaye Abad recalls pre-couple days with Paul Jake Castillo
Kaye Abad reveals fear for hubby Paul Jake when she gives birth
Kaye Abad reveals fear for hubby Paul Jake when she gives birth


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN