K Brosas opens up about her chronic anxiety disorder

IMAGE Carmel Brosas Instagram

K Brosas revealed that she has been suffering from chronic anxiety disorder for 12 years. 


Bukas na usapin ngayon ang mental health issue maging sa mundo ng showbiz. 

Kamakailan ay humingi ng paumanhin ang veteran comedian-TV host na si Joey de Leon kaugnay ng nauna niyang pahayag ukol sa depression.

Nagbigay rin ng awareness sa sakit na ito ang young actress na si Nadine Lustre nang mamatay ang kanyang nakababatang kapatid dahil sa suicide, matapos nitong ma-depress. 


Stories We Are Tracking

Joey de Leon apologizes for remark about depression
Joey de Leon apologizes for remark about depression


Stories We Are Tracking

Nadine Lustre discovers late brother's heartache, depression
Nadine Lustre discovers late brother's heartache, depression

Ngayon naman, ang comedienne-TV host na si K Brosas ay umaming siya ay mayroong chronic anxiety disorder. 

Ito ay nangyari noong Lunes, October 30, sa noontime show na It's Showtimekung saan isa si K sa mga hurado ng segment na "Tawag ng Tanghalan."

Nakita niya kasing nahihirapang huminga ang contestant na si Klee Anne Ortiz. 

"Klee, kalma lang," sabi ni K sa contender mula sa Mindanao. 

"Kasi, I don't know kung... epilepsy ang iyong sakit, di ba, am I right?

"Pero mayroon din tayong anxiety attacks na tinatawag."

Patuloy ni K, "And ngayon ko lang aaminin 'to sa telebisyon, ako po ay isang... meron akong anxiety disorder for ten years.

"Alam ko what you are going through."

ANXIETY DISORDER. Dalawang araw matapos ang pag-amin tungkol sa kanyang kundisyon, ipinaliwanag ni K ang pinagdaanan bago siya ma-diagnose ng sakit na ito 12 taon na ang nakararaan.

Ito ay sa pamamagitan ng isang video na ipinost niya kahapon, November 1, sa kanyang YouTube channel na “Dear Tehhh” at may pamagat na “my anxiety disorder story edition!" 

Binanggit muna ni K ang nangyari sa It’s Showtime, kung saan maaaring napanood ng mga tao ang kanyang pag-amin at dahilan kung bakit minabuti niyang ilahad ang kanyang istorya.

Idinadaan man sa ilang mga biro, inilahad ni K ang isang seryosong bagay na pinagdadaanan niya.

Ayon kay K, 12 taon na niyang dinadala ang pagkakaroon ng chronic anxiety disorder.

Sabi niya, “Almost twelve years ago, almost isang dekada na ang nakakaraan, naging laman po ako ng mga emergency rooms.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam po ninyo, kung meron lang akong suki card or kung meron lang akong points or rewards, or miles or Mabuhay miles, dyusko 'day, ang dami ko nang na-redeem na points!

"Every time na pumupunta ako [sa ospital], tsini-check up naman ako nang todo—healthy as a horse naman ako, walang problema.

“Hanggang sa pinaka, lahat ng doktor pinuntahan ko na—doktor sa thyroid, lahat ng ospital, malalaking ospital, at pati na si Doktor Jose Rizal, oo, doon ako nagpa-check up, charot!" sundot na biro ng komedyana.

Sa puntong ito ay ipinaliwanag ni K ang nararamdaman tuwing siya ay inaatake ng sakit na noon ay hindi pa niya alam kung ano ang sanhi.

“Tapos, wala silang makita sa aking masama. Sa tuwing inaatake po ako, iba ang feeling nun.

"Eto po, parang namamanhid dito [sabay turo niya sa batok], naggaganyan [naninigas at nagbabaluktutan] ang mga kamay ko.

"Nadi-disorient ako [palinga-linga], hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Iyak ako nang iyak, nagpa-palpitate ako.

“Pero again, pag tsini-check ako physically, I’m healthy, walang problema.

"Dasal ako nang dasal. Lahat ng santo, dinasalan ko na, pati kay Santa Claus, akalain nyo yun?"

Ayon sa www.helpguide.org, "Generalized anxiety disorder (GAD) is a common anxiety disorder that involves chronic worrying, nervousness, and tension.

"Unlike a phobia, where your fear is connected to a specific thing or situation, the anxiety of generalized anxiety disorder is diffused—a general feeling of dread or unease that colors your whole life.

"This anxiety is less intense than a panic attack, but much longer lasting, making normal life difficult and relaxation impossible."

Sa video ni K, inalala niya ang isang atake kung saan nadiskubre ang maaaring dahilan ng kanyang kundisyon.

“Ang pinakahuling atake ko na hindi ko makakalimutan ay sa Medical City. Sa Medical City ako nagpa-check up.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagsi-seizure na ako, di ako makahinga, naka-oxygen mask na ako. 

"Nanginginig na yung ganito ko [pisngi], nanginginig na lahat.

“So, yung doktor siguro nakaisip na, 'Anong nangyayari dito? Suki na ito dito. Pero anong nangyayari?'

“So, may pinainom sa 'king gamot. Yun pala ay pampakalma o downers.

"Doon lahat nawala ang sintomas ko.

"Sabi sa akin, 'I think you need to see a psychiatrist.'"

Sinunod naman daw ni K ang payo sa kanya ng doktor.

GETTING DIAGNOSED. Patuloy niya, “So, ayun po ang aking ginawa.

"Nagpa-psychiatrist ako, kuwentuhan galore, umiyak sa isang taong hindi mo kaanu-ano. Yung ganung eksena.

“Yun pala, ang sakit ko pala, meron na akong chronic... pag sinabi po itong chronic, ito po ay malala. Hindi lang po ako basta nausog.

"Malala po ito. Hindi lang ito basta kaba or normal anxiety attack or panic attack, dahil lahat po tayo ay nakaka-experience [ng anxiety], ito ay regular, basic na nararamdaman.

“Ito po ay chronic anxiety disorder due to, malalim 'to, due to suppressed depression."

Ipinaliwanag din ni K kung ano ang ibig sabihin ng suppressed depression.

"Mula po ito kabataan, pagkimkim ng galit, sama ng loob, iyak... dahil masyado akong matapang, e. Demonyo rin ako, e.

“Nag-manifest lahat ito noong lumaki na ako. Ang tawag dito ay psychosomatic.

"Lahat po ng nararamdaman ko—panginginig, pagpa-palpitate, hindi ko po alam ang nangyayari sa akin, hindi ako makahinga—lahat po yun ay psychosomatic.

“Psychosomatic is all in the mind, ginagawa ng utak mo, pero nararamdaman ng katawan mo." 

Ayon sa Merriam-Webster Dictionary, ang ibig sabihin ng salitang psychosomatic ay "of, relating to, involving, or concerned with bodily symptoms caused by mental or emotional disturbance."

HOW TO DEAL WITH ANXIETY. Idiniin din ni K ang kahalagahan ng pagpapatingin sa doktor at ang pag-iwas sa self-diagnosis at self-medication.

Patuloy ng komedyana, “For almost how many years, nag-anti-depressant po ako, umiinom po ako ng pampakalma.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bago ang lahat, ayaw ko pong sabihin sa inyo na maganda po ang nangyari sa akin, dahil hindi po masaya ang pinagdaanan ko.

“Pero looking back, hindi ko po alam kung paano ko nalagpasan yun.

"Hanggang ngayon po, I’m still suffering. Actually po, sa Showtime nga, inatake ako, medyo recently.

“Pero dahil may gamot na ako palagi, alam ko na.

"Ito pong iniinom kong gamot na pampakalma, prescribed po ito.

"Huwag po tayong mag-self-medicate, huwag na huwag.

“Kung meron kayong anxiety disorder at nakakaramdam kayo lagi, ha, hindi lang once, you have to see a doctor. Yun ang importante.

"Hindi albularyo, ha? Hindi si Dr. Jose Rizal."

Ibinahagi rin ni K ang ilang paraan kung paano ma-manage ang kundisyon na ito.

“Mas marami ngayong diversion para ma-relax, may meditation kuning-kuning.

"I-Google niyo lahat 'yan, i-type n'yo lang 'how to deal with anxiety.'

“Kailangan ninyong magkaroon ng close friends, breathing exercise para sa paghinga.

"Pero dahil malala nga yung sa akin kaya kailangan ko ng gamot.

"Kung ako ang tatanungin niyo, mas maganda ang prevention kaysa medication.

“So, nagsimula sa akin as a depression. Doon lang siya palung-palo, naging anxiety disorder. 

“So, ngayon, merong akong lagi [gamot] sa bag ko. Iniinom ko lang po pag inaatake ako."

Binanggit ni K na maraming mga tao ang nagbahagi sa kanya ng kanilang kuwento ukol sa kanilang sariling anxiety disorders.

"So, doon sa mga nag-share sa akin ng sandamakmak na istorya, nababasa ko po lahat 'yan. sobrang na-touched ako.

“Again, hindi po ako doktor, wala akong karapatang magsabi sa inyo kung ano ang dapat niyong gawin.

"Pero ang opinyon ko lang po is kailangan ninyo ng tulong, lalo na pag malala na po yung nararamdaman ninyong anxiety disorder.

“Pero kung depression pa lang sana… tumawa po tayo lagi.

“Tapos, meron pa akong naano sa Spotify at YouTube yung… i-type nyo lang yung Markoni Union, music yun. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi sixty-five percent nari-reduce yung anxiety, nare-relax yun. 

"Music yun. Meron sa Spotify, meron sa YouTube.

“Ang daming sandamakmak na videos para tayo tumawa... tumawa tayo nang tumawa, hangga’t kaya.

"At huwag ninyong kalilimutan na hindi po kayo nag-iisa, marami po tayo."

MENTAL HEALTH IS IMPORTANT. Sa huli, sinabi ni K na hindi lang physical health ang mahalaga, kundi ang mental health din.

“Kaya huwag tayong mag-self-diagnose, huwag pong ganun, self-medicate.

"Iwasan ang gamot kung kinakailangan.

"Kaya kinakailangang magpa-check up regularly, lalo na ang mental health po natin ang importante.

"Hindi lang yung laging nagpapalaki lang po tayo ng abs... sa mukha, charot! Hindi puro gym-gym galore. 

“Tandaan niyo po yan. Eto po yun, na-share ko lang. Sana nakatulong.

"Again, tulong ng mga close friends, just a few trusted friends, masaya 'yan. Makakaya niyo 'to.

“And again, kung malala na po, seek help. Walang masamang humingi ng tulong.

"Kaya naman sana naibsan kayo and, again, laughter is still the best medicine.”    


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN