Heart Evangelista honored to meet Japan Prime Minister Shinzo Abe

IMAGE Courtesy: @iamhearte on Instagram

Deadma lang si Heart Evangelista sa ilang netizens na kumukuwestiyon sa kanyang pagkasali sa official delegation ni Pangulong Rodrigo Duterte sa working visit nito sa Japan. Ang mahalaga raw ay marami siyang natutunan sa nasabing biyahe. 


Kasalukuyang nasa Sorsogon ang Kapuso actress na si Heart Evangelista upang dumalo sa isang local event doon.

Ang Sorsogon ang hometown province ng mister niyang si Senator Chiz Escudero.

Ayon kay Heart, sobrang hectic ng schedule niya mula noong Linggo, October 29, kung saan sumama siya sa official delegation ni President Rodrigo Duterte sa three-day working visit nito sa Japan.

Sabi ng bida ng My Korean Jagiya, “Ang saya naman... medyo hectic.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Heart, sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram, ngayong Huwebes, November 2.

Isa sa mga ikinatuwa ng followers ni Heart sa Instagram ay ang larawan niya kasama ang re-elected Japanese prime minister na si Shinzo Abe.

It’s such an honor to meet Prime Minister Shinzo Abe. ????????

A post shared by Love Marie Ongpauco Escudero (@iamhearte) on

Kuwento ni Heart tungkol sa pagkikita nila ng prime minister ng Japan, “I was so honored to meet the PM of Japan.

“It was a pretty hectic schedule coming from taping, Cebu, Japan, and now in events in Sorsogon, but it was fulfilling and I learned a lot.”

Deadma naman ang Kapuso actress sa ilang kumukuwestiyon sa pagsama niya kay Senator Chiz kahit hindi naman daw siya government worker.

"Hayaan na," pagkikibit-balikat niya.

Arrived safely in Manila last night. ??

A post shared by Love Marie Ongpauco Escudero (@iamhearte) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN