Sunshine Cruz shuts down netizen commenting about Cesar Montano

IMAGE Instagram photo of Sunshine Cruz

Sunshine Cruz bonds with her three daughters in this photo taken from her vacation with boyfriend Macky Mathay and his own children.


Nananatiling masaya ang relasyon ng aktres na si Sunshine Cruz at ng boyfriend niyang si Macky Mathay.

Nitong nakaraang weekend, ibinahagi ni Sunshine sa kanyang Instagram account ang masayang bonding nila ni Macky kasama ang kani-kanilang mga anak.

??

A post shared by Sunshine Braden Cruz (@sunshinecruz718) on

Si Sunshine ay mayroong tatlong anak na babae mula kay Cesar: sina Angelina, Samantha, at Francheska.

Si Macky ay mayroon namang tatlong anak—dalawang lalaki at isang babae—mula sa estranged wife niyang si Camille Fariñas.

??

A post shared by Sunshine Braden Cruz (@sunshinecruz718) on

Ngunit sa kabila ng masasayang posts ni Sunshine, may isang netizen ang nagpahayag ng tila panghihinayang para sa estranged husband ng aktres na si Cesar Montano.

Sabi ng Instagram user na si @mercieq1211: “Sayang itong moment na ito na missed ni Cesar. But happy to see you Sunshine happy with Macky he loves you so much and he is so cute...”

Mapapansin naman sa sagot ni Sunshine sa komento ng Instagram user na tila ayaw na niyang mapag-usapan ang nakahiwalayang asawa.

Sabi ng 40-year-old actress: “5 years na po kaming hiwalay. We have all adjusted. We are both in a much better place away from each other. Thank you and have a pleasant day sweetie.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN