Robin Padilla visits Isabel Granada in Qatar hospital

by Arniel C. Serato
Nov 3, 2017
Wala pa ring malay ang actress-singer na si Isabel Granada, na 11 araw nang nakaratay sa ospital sa Doha, Qatar. Ngayong araw, November 3, dinalaw siya ng aktor na si Robin Padilla sa Hamad General Hospital. 

Binisita ni Robin Padilla ang actress-singer na si Isabel Granada, na kasulukuyang nakaratay sa Surgery and Intensive Care Unit (SICU) ng Hamad General Hospital, sa Doha, Qatar.

Nasa Qatar ang aktor para sa isang event ng produkto na kanyang iniendorso.

Ayon sa mensahe ng pinsan ni Isabel na si Joseph Rivera, na ipinadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong Biyernes ng umaga, November 3, “Rodin Padilla is now inside Isabel’s room with Mommy Guapa and Arnel (Cowley).”


Continue reading below ↓

(Joseph Rivera, Isabel Granada's cousin, with his wife, two sons, and Robin Padilla.)


(Robin with some supporters of Isabel Granada.)


Continue reading below ↓

(Robin with Hubert [3rd from left], Jericho Aguas [4th from left], Mommy Guapa, and Arnel Cowley [foreground].)

Ngunit wala pa rin daw pagbabago sa kundisyon ni Isabel, na unconscious pa rin hanggang ngayon.

Nasa ika-11 araw na mula nang isugod si Isabel sa ospital matapos itong mag-collapse dahil sa aneurysm.

Ayon sa pinakahuling update ng ex-husband ni Isabel na si Jericho Aguas, kinukunsidera nila ngayon ang second opinion mula sa ibang mga doktor.

Sabi ni Jericho sa Facebook, "Bringing a Dr. From Spain is not an option anymore. Mama and her sister in spain now is requesting for another Drs. opinion coping from the cuban hospital here in Qatar instead."

Nagpasalamat naman siya sa suporta ng mga Pilipino na nagtatrabaho sa Qatar.

Continue reading below ↓

Read Next
Read More Stories About
Robin Padilla, Isabel Granada
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wala pa ring malay ang actress-singer na si Isabel Granada, na 11 araw nang nakaratay sa ospital sa Doha, Qatar. Ngayong araw, November 3, dinalaw siya ng aktor na si Robin Padilla sa Hamad General Hospital. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results