Sunshine Cruz dares basher to name the men in her life aside from Cesar Montano

by Arniel C. Serato
Nov 3, 2017
Hinamon ni Sunshine Cruz ang isang basher na pangalanan ang mga lalaking naging bahagi raw ng kanyang nakaraan bukod sa nakahiwalayang asawa na si Cesar Montano. 

Isang basher ang pinatulan ni Sunshine Cruz sa Instagram.

Kagabi, November 2, nag-post ang Wildflower actress ng larawan kung saan naka-one piece swimsuit siya.

Kuha ang nasabing larawan mula sa Nasugbu, Batangas, kung saan kasalukuyang nagbabakasyon si Sunshine kasama ang tatlo niyang anak na sina Angelina, Samantha, at Francheska, at ang boyfriend na si Macky Mathay.

STORIES WE ARE TRACKING

Sa comments section, may isang netizen na nagkomento tungkol sa mga diumano’y lalaking naging bahagi ng nakaraan ng aktres.

Hindi na makikita sa comments section dahil binura na ito ng mismong netizen na may username na @pinkberry_z.

Ngunit may buwelta sa kanya si Sunshine.

Hinamon ng aktres na pangalanan ng basher ang mga lalaking naging bahagi ng kanyang buhay, bukod sa estranged husband niyang si Cesar Montano.

“Teka, maliban sa ex-husband ko, sinong partner ang sinasabi mo? Better mind your own business.

“Sinong lalake at sinong mga partner pinagsasabi mo maliban sa ex-husband ko? Sige nga, lol.”

Continue reading below ↓


Ikinasal sina Sunshine at Cesar noong September 14, 2000, sa beachside ng Manila Bay.

Si Sunshine ay 23 years old lamang noon.

Si Cesar ay 38 years old noon at mayroon nang tatlong anak—dalawa mula sa una niyang asawa na si Marilyn Polinga (S.L.N.) at isa mula sa aktres na si Teresa Loyzaga.

Continue reading below ↓

Nagkahiwalay sina Sunshine at Cesar noong 2013.

Read Next
Read More Stories About
Sunshine Cruz
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hinamon ni Sunshine Cruz ang isang basher na pangalanan ang mga lalaking naging bahagi raw ng kanyang nakaraan bukod sa nakahiwalayang asawa na si Cesar Montano. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results