New Kapuso Jason Francisco denies "tampo" with ABS-CBN

IMAGE Rose Garcia

Jason Francisco wants to do more serious roles. He explains, "Kung papansinin mo naman sa PBB, hindi naman ako nakakatawa. Mukha lang nakakatawa, pero hindi ako nagpapatawa... Parang paglabas ko, in-embrace ko na lang. Parang, ito ang aking naging trabaho at, siyempre, kailangan kong magtrabaho para sa future ko. Pero hirap na hirap po talaga akong magpatawa, sa totoo lang."


Isa nang Kapuso ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Jason Francisco.

Pagkatapos niyang mag-guest sa pilot episode ng second book ng GMA primetime series na Alyas Robin Hood, ngayon ay cast member na siya sa upcoming teleserye na The One That Got Away (TOTGA).

Paglilinaw ni Jason, wala siyang tampo sa dati niyang home network na ABS-CBN. 

Pahayag ng bagong Kapuso talent, “Wala, bakit naman?

"Sila ang naka-discover sa akin, so salamat. 

“Thankful dahil sa kanila ako nagsimula.

“Hindi mo naman kailangang magtampo, kasi, bakit naman? 

"Sila ang nagsimula kaya kailangan mong lingunin."

May mga espekulasyon kasing nagtampo si Jason sa Kapamilya network noong kasagsagan ng isyu nila ng misis niyang si Melai Cantiveros.

Matatandaang nagkahiwalay sina Jason at Melai noong 2016 habang ginagawa ng huli ang dating teleseryeng We Will Survive.

Ngunit pagkalipas lamang ng ilang buwan ay nagkabalikan din sila, at nasundan pa ang panganay nilang anak.


Stories We Are Tracking

Jason writes open letter about split with Melai
Jason writes open letter about split with Melai
Melai Cantiveros defends Jason Francisco from bashers
Melai Cantiveros defends Jason Francisco from bashers
Jason Francisco deletes IG post about breakup with MelaI
Jason Francisco deletes IG post about breakup with MelaI
Melai noncommital about whereabouts of Jason
Melai noncommital about whereabouts of Jason

Ano ang naging reaksiyon ni Melai sa desisyon niyang lumipat ng network?

Tugon ng 30-year-old actor, “Wala namang problema sa kanya.

“At saka desisyon ko naman at susuportahan naman niya yun. 

“Nagsusuportahan lang naman kami sa isa’t isa.”

NEW MANAGER. Kasabay ng paglipat ni Jason sa GMA Network ay ang pagpasok niya sa PPL Entertainment, Inc. ng talent manager na si Perry Lansigan.

Kabilang na siya ngayon sa roster of talents ng PPL, na kinabibilangan nina Dingdong Dantes, Gabby Eigenmann, Sunshine Dizon, Jolina Magdangal, Jaclyn Jose, Angelika dela Cruz, Wendell Ramos, Rochelle Pangilinan, Gloc-9, at iba pa.

Paano siya napunta sa pamamahala ni Perry?

Ayon kay Jason, “Ni-refer siya sa akin, kasi parang naghahanap ako ng manager.”

Si Jolina raw ang nagpakilala sa kanya sa bago niyang manager.

“Tapos yun, nag-usap kami, nagkaintindihan naman. Kaya nandito na ako.”

Alam daw niyang karamihan sa talents ng PPL ay mga Kapuso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya tinanong ng PEP.ph si Jason kung may balak talaga siyang lumipat ng network nang magpa-manage siya kay Perry.

“Opo,” pag-amin naman niya.

“Matagal na rin ako sa ABS since PBB, almost eight years.

“So ngayon, panibago, panibago naman. Bagong surrounding, bagong experience.”

Hindi pa raw alam ni Jason kung ano ang mga plano ng bago niyang manager sa kanyang career. 

Ang alam lang daw niya ay kasama siya sa TOTGA, na pagbibidahan nina Dennis Trillo, Lovi Poe, Rhian Ramos, Max Collins, at ang bago ring Kapuso na si Jason Abalos.

Nilinaw ni Jason na guest lang siya noon sa pilot ng primetime series na Alyas Robin Hood.

“Nag-guest ako sa Robin Hood, pero hindi nagtuluy-tuloy, kasi hindi pala ganun basta-basta nakakalipat.

“Kailangan ko ngayon ng release paper from channel na galing ka.

“Para walang conflict sa kontrata. Para sure na walang magiging conflict sa future projects.”

Wala na raw siyang kontrata noon sa ABS-CBN, ngunit pormalidad na kailangan pa rin niya ng release paper.

Ang huling proyektong ginawa ni Jason sa ABS-CBN ay ang My Super D.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jason sa opisina ng PPL sa Scout Tobias, Quezon City, noong nakaraang linggo.

SERIOUS CHARACTERS. Kung sa ABS-CBN ay nakilala si Jason bilang comedian, ngayon daw ay gusto niyang gumanap ng mga seryosong karakter. 

Saad ng aktor na tubong-Mindoro, “Sa totoo lang kasi, gusto ko na medyo seryoso. 

“Hindi naman drama, pero nandoon pa rin ang pagiging comedian.  

“Paglabas ko sa PBB, naging comedian na ako.

“Parang ang hirap naman, sila yung nagpaalam sa ‘yong comedian, kasi ang sabi nila, nakakatawa ako.

“Yung dialect ko siguro, yung punto ko.”

Patuloy niya, “Si Melai, talagang siya ang natural na nakakatawa.

“Kasi ako, seryoso talaga ako sa totoong buhay.

“Kung papansinin mo naman sa PBB, hindi naman ako nakakatawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mukha lang nakakatawa, pero hindi ako nagpapatawa.

“Sa mga nakakaalala, hindi ako naggagawa ng joke, e.

“Parang paglabas ko, parang inano ko na lang, in-embrace ko na lang.

“Parang, ito ang aking naging trabaho at, siyempre, kailangan kong magtrabaho para sa future ko.

“Pero hirap na hirap po talaga akong magpatawa, sa totoo lang.

“Medyo impromptu kasi ako, kaya kapag may script, parang mas hirap akong magpatawa.”

Nabanggit na raw ni Jason sa bago niyang manager ang kagustuhang makagawa ng mga seryosong karakter.

Pero ayon din sa kanya, “Hindi rin naman kasi mawawala sa akin yung may mga hirit. 

“Actually, gusto ko yung nagpapatawa ako na hindi ko ginagawa ang pagpapatawa.”

Ayaw namang magbanggit ni Jason ng partikular na Kapuso artist na gusto niyang makasama sa isang proyekto.

Aniya, “Alam niyo, ayokong mamili. 

“Siyempre, gusto kong makatrabaho yung mahuhusay. Malay niyo, mahawa ng husay!

“Ayokong mamili, kung ano na lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN