PH bet in Miss Globe 2017 denies elimination in talent finals due to lip-syncing

by Bernie V. Franco
Nov 4, 2017
The Philippine bet to Miss Globe 2017, Nelda Ibe, clarifies that there is no truth to the news that she is allegedly eliminated in the talent finals due to lip-syncing during the portion.

Itinanggi ng kinatawan ng Pilipinas sa Miss Globe 2017 na si Nelda Ibe na na-eliminate siya sa talent portion ng naturang beauty pageant dahil sa diumano'y natuklasan itong nandaya sa talent portion.

Kumalat nitong Biyernes, November 3, sa social media ang fake news na na-eliminate ang 23-year-old beauty queen dahil sa diumano'y pagli-lip-sync niya sa kanyang song performance, na ayon daw sa pageant committee.

May ilang pageant blogsites at netizens na nag-pick up ng fake news.

Una nang nakaabot si Nelda sa talent finals ng pageant.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram Story, ibinahagi ng licensed pilot ang kanyang reaksyon sa isyu.

Pahayag niya, “I wasn't present during the announcement of the winners during the talent show ( that's why everyone is making rumors that I was eliminated) kasi dinala na po ako sa hospital right after I performed. Yes, I wasn't feeling well but still I want to show up and the organizers know that.”

Continue reading below ↓

Bahagi pa ng Instagram Story ng beauty queen ay ang pictures niya kasama ang mga medical personnel na tumingin sa kanya at ang hashtag na “#notofakenews”


Ginanap sa Tirana, Alabania, 8 pm, November 3 (3 am, November 4, Philippine Time), ang finals and coronation night ng Miss Globe 2017, kunsaan nagwaging first runner-up si Nelda.

Continue reading below ↓

Ang kandidata mula sa Vietnam na si Do Tran Khanh Ngan ang kinoronahang Miss Globe 2017.

Second runner-up naman si Miss Siberia Elena Latypova, third si Miss Albania Alessia Coku, at fourth si Miss Cape Verde Simone Heijligers.

Read Next
Read More Stories About
beauty pageants
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The Philippine bet to Miss Globe 2017, Nelda Ibe, clarifies that there is no truth to the news that she is allegedly eliminated in the talent finals due to lip-syncing during the portion.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results