Vaness del Moral to wed non-showbiz boyfriend next year

Kapuso actress Vaness del Moral will tie the knot with her non-showbiz boyfriend Matt Kier in a Christian garden wedding in Baguio on February 18, 2018. Matt proposed to Vaness in Coron, Palawan last May 23.


Ikakasal na si Vaness del Moral sa non-showbiz boyfriend niyang si Matt Kier.

Nag-propose si Matt kay Vaness sa Coron, Palawan noong May 23, na birthday din ni Vaness.

Ipinakita pa mismo sa amin ni Vaness ang engagement ring na ibinigay sa kanya ni Matt na black diamond.

Wala raw idea si Vaness na magpu-propose ang boyfriend niya.

Ang alam lang daw niya kasi ay magbabakasyon lang sila.

Pag-amin niya, “Hindi ko alam!”

“Kasi nga birthday ko.

“Binook namin yung Coron [trip] mga February.

“Tapos, pagdating namin dun, sabi lang niya sa akin ano, ‘O, nagpa-set ako ng dinner ha, kasi birthday mo.’

“So birthday dinner. ‘Sige,’ sabi ko sa kanya.

“Tapos, nung bago kami umakyat nung restaurant, sa room na siya nag-propose!

“Sabi niya kasi ayaw niyang mag-propose sa harapan ng maraming tao dahil baka daw, siyempre iiyak ako, yung ganun.

“So nag-propose siya sa kuwarto , kaming dalawa lang, walang video ganun.

“Umiyak ako! Siyempre.

“Hindi siya umiyak, pero tumatawa siya na pinipigilan niya yung iyak niya.”

Hindi raw inaasahan ni Vaness na may proposal na magaganap.

At um-oo siya sa proposal ni Matt.

Lahad niya, “Nag-yes ako! Hindi na ako nagdalawang isip.”

WEDDING DETAILS. February 18, 2018 ang kasal nina Vaness at Matt.

“Kasi pinakamalamig na month sa Baguio na hindi umuulan,” sabi niya.

Parehong taga-Baguio sina Vaness at Matt.

Inaayos pa nila ang ibang detalye ng kasal, tulad ng venue.

Pero ayon kay Vaness, isang Christian wedding na gagawin sa garden setting ang plano nilang gawin at hindi typical na church wedding.

Wala siyang entourage.

“Ang usapan hindi kami mag-e-entourage kasi ayaw namin ng big wedding.

“So, parang Chynna tsaka Kean lang,” pagtukoy niya sa kasalan nina Chynna Ortaleza at Kean Cipriano.

“Gusto namin family lang ang kasama namin sa wedding day itself.

“Tsaka parang ang hirap kasing iakyat pag manggagaling ng Manila lahat ng tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero may celebration daw para sa mga kaibigan nila sa Manila.

Dagdag niya, “Magkakaroon ng separate ano, parang pre-wedding celebration.

“Before the wedding, magkakaroon ng party for Manila people.

“Tapos, yung Baguio for family lang talaga.”

MATT'S BUSINESS VENTURES. Buy-and-sell ng kotse ang negosyo ni Matt who is thirty-one years old, samantalang 29 anyos naman si Vaness

Saad ni Vaness, “Pero may iba pa siyang business.

“Meron siyang inaayos ngayon na supplements, mga whey protein, fat burner.

“Actually, bagong company na tinatayo namin pero siya yung... sa kanya nakatoka, bahala siya sa lahat, ganun.”

Three years and three months na ang relasyon nila bilang magkasintahan

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vaness sa taping ng GMA drama series na Impostora kahapon, November 3, sa Village East Executive Homes sa Cainta, Rizal.

Sa naturang show ay gumaganap si Vaness bilang si Crisel.

Bida naman sa Impostora si Kris Bernal sa dual role na Nimfa at Rosette.

NO BABY PLANS YET. Samantala, hindi raw muna mag-aanak agad sina Vaness at Matt kahit maikasal na sila.

Aniya, “Yun ang usapan naming dalawa.

“Bahay muna.

“Tapos pag nakaipon na, tapos yung sapat na tsaka yung ready na pareho na mag-raise ng child sa magandang environment.”

Dalawa lang ang nais nina Vaness at Matt na maging anak


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN