Kris Bernal admits dating businessman

IMAGE Rommel Gonzales

Kris Bernal reveals her new inspiration, a 33-year-old businessman who is also her meat supplier for her burger business. Although she hasn't admitted that they're officially on, she confirmed their "mutual understanding."


Galing sa Korea si Kris Bernal kamakailan at napatili ito nang tanungin namin kung kasama niya sa Korean trip niya ang kayang “special someone.”

“Wow! May sinabi na ba akong dyowa?” natatawang reaksyon niya.

Napapabalitang isang non-showbiz guy ang malapit sa puso ni Kris ngayon.

Paglinaw niya, “Dating pa lang naman.”

Hindi pa niya boyfriend?

“Hindi pa,” dagdag niya.

Inamin naman ni Kris na magkasama nga sila kamakailan sa Korea ng naturang guy, pero may mga kasama silang ibang kaibigan.

Aniya, “Yes, kasama ko siya sa  Korea.”

“May mga friends kami sa Korea na Pinoy na kasama namin.”

KOREA TRIP. Unang beses ni Kris na makapunta sa Korea.

Paliwanag niya, “One of the reasons why I went to Korea is because I’m planning to put up a Korean restaurant here in Manila.

“So I sort of, alam mo yun, explored the concept of Korean grilling.

“So talagang puro kain ako dun, kasi kailangan kong makabisado yung authentic food na Korean.

“Iyon talaga yung purpose.

“Gusto kong mag-Korean restaurant kasi dito na unli-samgyupsal grilling.

“Basta famous sa kanila yun, e.

“Parang pork belly na grilling.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kris sa taping ng GMA drama series na Impostora kahapon, November 3 sa Village East Executive Homes sa Cainta, Rizal.

Bida rito si Kris sa dual roles niya bilang Nimfa at Rosette.

NEW BUSINESS VENTURE. May existing na negosyo si Kris, ang MeatKRIS.

Pag-amin niya, “Kasi nahihirapan ako sa MeatKRIS kasi I realized na Filipinos are more on rice, hindi ako puwedeng mag-depend sa burger lang.

“Kailangan magkaroon ako ng bagong concept na talagang magke-cater sa taste ng Filipinos.

“E, di ba uso ngayon yung Korean grilling na kung saan-saan sumusulpot?”

Tuloy pa rin ang operations ng dalawang branches niya ng MeatKRIS burger kiosks sa Marikina at sa UST.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Seoul Meat ang plano niyang ipangalan sa itatayo niyang Korean restaurant next year.

“Mga Feb,” estima niya.

Sino ang business partner niya sa Seoul Meat?

“Yung kasama ko sa Korea,” at tumawa ang Kapuso actress.

MYSTERY GUY REVEALED. Businessman ba ang lalaking ito na tila espesyal sa buhay ni Kris ngayon?

“Oo. Siya ang supplier ko ng meat,” lahad niya.

Matanda raw ng mga limang taon kay Kris ang naturang lalaki.

Hindi pa raw talaga sila magkasintahan.

Pagklaro niya, “Hindi pa nga, dating pa lang, six months dating.”

May MU (mutual undertanding) na ba sila?

Aniya, “Yeah, I would consider it as that.”

Ayaw ipabanggit ni Kris ang pangalan ng lalaking ka-MU niya.

“Medyo private siya,” lahad ni Kris.

Single (hindi hiwalay o diborsyado) at walang anak ang special someone ni Kris.

NOT IN A RUSH TO SETTLE DOWN. Bakit MU pa lang sila samantalang pareho naman silang malaya?

Natatawang lahad ng 28 anyos na aktres, “I don’t wanna get married yet.

“MU lang muna, kasi sabi ko nga, yung next boyfriend ko, I wanna make sure that it’s gonna be my last.

“So since hindi pa naman di ba, so parang hindi muna.

“Kinikilala ko muna kasi ayoko ng... hindi naman ako yung paiba-iba ng boyfriend.

“Wala naman akong ganung isyu before, di ba?

“O, sino lang ba ang naging dyowa ko?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN